Pelikula nina Pokwang at Eugene Domingo na 'Becky and Badette', pasok sa MMFF 2023!
Excited na ibinahagi nina Pokwang at Eugene Domingo na parte ng MMFF o Metro Manila Film Festival ngayong 2023 ang Becky and Badette.
Ang Becky and Badette ay ang pelikulang pagtatambalan ng dalawa sa mga hinahangaang komedyante sa bansa na sina Pokwang at Eugene.
PHOTO SOURCE: @itspokwang27
Saad ni Pokwang sa kaniyang announcement na kabilang ang Becky and Badette sa MMFF, "PASOK TAYO SA MMFF!!!! See you po sa lahat ng sinehan nationwide ngayon DECEMBER 25 #BeckyandBadette CONGRATULATIONS @theideafirstcompany"
Sa post naman ni Eugene ay inanyayahan niya ang mga manonood na maghanda sa tawanang kanilang hatid ni Pokwang sa Becky and Badette.
"Ipon ipon na dahil tuloy na tuloy ang tawanan sa sinehan!"
Noong nakaraang buwan ay ipinakita nina Pokwang at Eugene ang kanilang official poster sa Becky and Badette. Sinundan pa ito ng teaser kung saan ipinakita ang former Encantadia stars na sina Sunshine Dizon, Iza Calzado, at Karylle.
RELATED GALLERY: Pokwang at Eugene Domingo, magsasama sa isang exciting na pelikula
Ang Becky and Badette ay sa ilalim ng direksyon ni Jun Robles Lana.
Congratulations, Pokwang and Eugene!