Mikoy Morales, inilarawan ang reaksyon ng GF sa intimate scene niya sa 'Tether'
Inamin ni Mikoy Morales na di naging kumportable ang kanyang non-showbiz girlfriend sa intimate scenes sa pelikulang Tether, kung saan nagwagi siya bilang Best Actor sa nakarang Cinemalaya Film Festival.
Sa interview ni Mikoy sa Updated with Nelson Canlas podcast, nabanggit ni Mikoy ang pinangggalingan ng naging pakiramdam ng kanyang girlfriend.
Aniya, "I don't take against her, siya rin naman nagsabi na parang hindi ko pa kayang panuorin sa premiere.
“Kasi nape-pressure siya dahil premiere tapos alam ng taong girlfriend ko siya, like nandu'n ang family ko, nandu'n 'yung mga ibang friends ko. And she knows na they're gonna be asking her questions and she didn't like the pressure.”
Ayon pa kay Mikoy, nag-request din ang kanyang girlfriend na bigyan siya ng time and space para matanggap ang intimate scenes ng aktor sa pelikula.
Inamin ng Maging Sino Ka Man actor na noong una ay hindi naiintindihan ng girlfriend niya ang ginagawa nilang mga intimate scenes at workshops, na kalaunan ay naintindihan din niya ang sitwasyon.
“She knows her boundaries, alam niya kung hanggang saan niya kayang gawin 'yung mga ganu'n ko sa work,” sabi nito.
“So, I think sa 'pag sa next screening manunuod na siya,” dagdag pa nito.
BALIKAN ANG MGA KAPUSO STARS NA BUMIDA RIN SA CINEMALAYA FILMS DITO:
Samantala, nilinaw din ni Mikoy na hindi lang basta daring ang kanilang pelikula. Sa halip inilarawan niya ang mga tinutukoy na eksena bilang “tasteful.”
“Kung bakit ko rin naman tinanggap 'yung project was not because, 'Uy daring 'to.' Parang hindi nga, e, ginamit lang sa marketing 'yun, e. Pero it's really like a relationship-centered film,” sabi nito.
Dagdag pa ng aktor, “Kailangan lang gawin 'yung ibang love scenes just to further kuwento 'yung concept. Hindi siya 'yung basta lang kailangan kumeme like kailangan siyang ipakita, kasi part siya doon ng concept, so it is very tasteful."