Abangan ang 'Idol ko si Bong: Bong Revilla's 50th Anniversary special' sa GMA
Sabay na ipinagdiwang kamakailan ng actor-politician na si Ramon “Bong” Revilla Jr. ang kaniyang 57th birthday at 50th showbiz anniversary.
Pinamagatang 'Idol ko si Bong: Bong Revilla's 50th Anniversary special,," mapapanood ang engrandeng okasyong ito sa GMA ngayong Sabado ng gabi, October 7.
Mapapanood sa special ang pagdalo ng mga malalaking pangalan sa industriya ng showbiz, kabilang na ang mga producer, direktor, at naging co-star ni Bong para magbahagi ng naging journey nila kasama ang aktor at senador.
Nag-perform din ang naging leading ladies ng Titanic Action Star at ilan sa kanyang mga nakalaban at naging sidekick sa mga pelikula.
SAMANTALA, TINGNAN ANG MGA MIYEMBRO NG REVILLA CLAN NA PUMASOK DIN SA MUNDO NG SHOWBIZ:
Dapat ring abangan ang heartwarming performance ng misis ni Senator Bong, si Cavite representative Lani Mercado, kasama ang kanilang mga anak at apo.
Nagpaunlak din si Senator Bong ng mga one-on-one interviews sa mga dumalo kung saang nagbigay-pugay siya sa kaniyang namayapang ama at dating senador na si Ramon Revilla Sr. at nagbalik-tanaw sa naging journey niya sa 50 years sa showbiz.
Tunghayan ang masayang selebrasyon at pasasalamat ni Bong para sa 50 years niya sa industriya sa Idol ko si Bong: Bong Revilla's 50th Anniversary Special sa GMA, 8PM, pagkatapos ng Pepito Manaloto.