John Rex, kumusta na nga ba matapos manalo sa 'The Clash 2023'?
Hindi pa rin makapaniwala si John Rex na nabibigyang katuparan na ang pinapangarap lang niya noon--ang makapag-perform sa maraming tao.
Matapos na tanghaling kampeon sa The Clash Season 5 noong May 2023, patuloy ang pagdating ng blessings sa career ni John Rex.
Noong Setyembre, opisyal nang naging bahagi ng GMA Music si John Rex matapos na pumirma ng recording contract.
Ayon kay John Rex, masaya siya sa nangyayari sa kanya ngayon kung saan nakakapagpasaya at nakaka-inspire siya ng maraming tao.
"Ito 'yung dream ko, ito 'yung pinagdasal ko. I'm here performing for a lot of people na sana happy sila kasi ito talaga 'yung pinaka-goal ko. My goal is to perform and entertain a lot of people," sabi niya sa GMANetwork.com.
Nang tanungin kung ano na ang mga nagbago sa kanya matapos na manalo sa The Clash 2023, pabirong sabi ng Kapuso singer, "Since winning... kasi kumakanta naman ako rati, ngayon mas lumaki siguro 'yung audience ko dahil nakikita na tayo sa tv."
Dagdag niya, "Alam n'yo 'yun it's surreal na dati parang gusto kong abutin 'to e' pero now nandu'n na ako. Gusto ko siyang i-continue, gusto ko siyang mas tumagal pa kaya I'm happy na nandito ako ngayon at nag-sign sa GMA Music."
Bukod dito, bahagi na rin si John Rex ng Sparkle GMA Artist Center kung saan kabilang siya sa mga bagong artist na pumirma ng management contract sa naganap na "Signed For Stardom" noong September 22, 2023.
Ilan sa goal ni John Rex ngayon ay ang makapagsulat ng sariling kanta at maging boses ng theme songs ng mga teleserye.
Congratulations, John Rex!