Filtered By: Showbiz News | News
AHA October Shockers
Showbiz News

'AHA October Shockers,' maghahatid ng mga kuwentong kababalaghan na puno ng aral at kaalaman

By Marah Ruiz
Sa ikalimang taon ng 'AHA October Shockers,' maghahatid ang GMA Public Affairs program ng limang orihinal at bagong animated stories.

Kuwentong kababalaghan na puno ng aral at kaalaman ang hatid ng infotainment show na AHA sa ikalimang taon ng "October Shockers."

Limang bago at orihinal na animated stories mula kay Carlos Palanca Memorial Awardee for Literature Augie Rivera ang mapapanood every Sunday morning sa month-long special na ito.

Una na riyan ang episode na pinamagatang "Ang Kilabot Gang ng Kalye Trese" na tungkol sa isang grupo ng mga supernatural beings na tila mababaon sa limot dahil sa pagpasok ng mga bagong teknolohiya.

Bahagi ng episode si Sparkle star at cosplayer na si Myrtle Sarrosa na magbibigay-boses sa karakter ni Ena Manananggal.



Susundan 'yan ng kuwento ng isang kinatatakutang mangkukulam na lalambot ang puso sa isang batang nangangailangan ng tulong sa "Si Aling Barang: Ang Mangkukulam Na May Puso."

Isang epic love story ng dalawang tikbalang naman ang mapapanood sa "The Runaway Tikbalang."

Abangan din ang kuwento ng isang yaya na mag-aalaga ng mga batang zombie sa "Si Yaya Becca sa Mundo ng mga Zombie."

Gunitain naman ang mga namayapa sa "Kilala Niyo Ba Si Val?" Tungkol ito sa kakaibang koneksiyon ng nakalimutang kaluluwa at ng isang batang magtitirik ng kandila para sa kanya.

Huwag palampasin ang mga bagong animated stories na 'yan sa ikalimang taon ng AHA October Shockers, every sunday simula October 1, 8:15 a.m. sa GMA.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.