Paolo Contis to GMA, Sparkle: 'Hindi n'yo ako sinukuan'
Mananatiling Kapuso at isa sa bankable talents ng Sparkle GMA Artist Center ang Bubble Gang comedian na si Paolo Contis.
Isa ang versatile TV-movie star sa nag-renew ng kontrata sa much-awaited event na Signed for Stardom na idinaos ngayong Biyernes ng hapon (September 22) sa GMA Network sa Quezon City.
Sa maikling panayam nina Martin Javier at Rain Matienzo sa multi-talented Kapuso actor, tinanong nila ito kung paano nagagawang “madali” ang samu't saring project na ginagawa niya.
Pahayag ni Pao, “I love what I do and I'm very good at it.”
Pagpapatuloy niya, “If you are good at something, you do it well, 'di ba. Mahal ko po 'yung ginagawa ko [and] I'm very fortunate sa GMA for giving me the break all the time.”
Nagpasalamat din ang long-time Sparkle actor sa mga boss niya sa GMA-7 tulad nina Miss Annette Gozon-Valdes at Miss Tracy Garcia. Pati rin sa legendary star maker na si Johnny Manahan.
Saad niya, “Dito ako sa GMA bumait, sumama. 'Tapos mabait uli, so maraming salamat, hindi n'yo ako sinukuan.
“[To] Miss Tracy, Miss Joy, Ma'am Annette [Gozon-Valdes]. At saka kay Shelly, alam ko inaatake sa puso lagi, dahil sa akin. Thank you.”
Bukod sa Bubble Gang, main host si Paolo ng longest-running noontime show na Eat Bulaga at napapanood din siya sa All-Out Sundays.
THE SPARKLING SHOWBIZ JOURNEY OF PAOLO CONTIS: