SNEAK PEEK: Snippets from Jo Berry's episode on 'Wish Ko Lang'
Narito ang ilang eksklusibong larawan na kuha mula sa taping ng primetime actress na si Jo Berry para sa 'Wish Ko Lang.' Mapapanood ngayong Sabado, March 23, ang kaniyang espesyal na pagganap sa weekly drama anthology.
Onanay
Matapos ang 'Onanay,' muling mapapanood si Jo Berry sa telebisyon. Bibigyang-buhay niya ang papel ni Michelle Ambrosio para sa isang espesyal na episode ng 'Wish Ko Lang.'
Motibo
Nakilala ni Michelle si Tonio, ang tanging lalaking nagpakita ng interes sa kaniya. Akala niya ay ito na ang tunay na magmamahal sa kaniya sa kabila ng kaniyang kaanyuan, pero iyon pala ay may iba itong pakay sa kaniya.
Panloloko
Sa hindi inaasahang pagkakataon, isang malagim na pangyayari ang naranasan ni Michelle sa kamay ni Tonio.
Pagbubuntis
Nabuntis si Michelle ngunit hindi ito pinanagutan ni Tonio. Napag-alaman pa niyang may asawa at pamilyado pala ito.