Filtered By: Showbiz News | News
Chito Miranda
Source: chitomirandajr (IG)
Showbiz News

Chito Miranda, binalikan ang kanta tungkol sa mga 'nawawalan na ng gana'

By Jimboy Napoles
Nawawalan ka na ba ng gana? Para sa'yo itong awitin ni Chito Miranda.

“Wala Na Talaga”

Ito ang title ng hugot song na isinulat ng Parokya Ni Edgar frontman na si Chito Miranda na tungkol umano sa mga taong nawawalan na ng gana sa isang relasyon.

Sa kanyang Instagram, muling ibinahagi ni Chito ang lyric video at recorded version ng nasabing awitin na isinulat niya pa noong kasagsagan ng pandemya.

Ang kanta ay may mga linyang, “Minsan parang wala nang dahilan, tila nagpapanggap na lamang. Ayoko mang aminin sa iyo, pero nagsawa na yata ako.”

Saad ni Chito sa caption ng kanyang post, “Sinulat ko 'tong kanta na 'to para sa lahat ng mga nawawalan na ng gana sa isang samahan at relasyon. Enjoy! [broken heart emoji]”

Base pa sa lyrics ng kanta, tungkol ito sa taong nakaramdam ng pagkasawa sa relasyon, hindi dahil sa third party kung 'di dahil sa personal niyang pinagdaraanan.

Maraming netizens naman ang naka-relate sa awitin ni Chito at hindi napigilang magkomento sa kanyang post.

“Ito pala yun. Makes sense. It all makes sense now. Oo nga naman, why prolong the agony? Masakit pero sobrang appreciate mo yung honesty kasi he respects you enough to be honest with you and his feelings. It helps. Makes it easier to let go and process healing, recovery, and forgiveness,” saad ng isang netizen.

Hugot naman ng isa pang netizen, “Ay truth talaga ito! Ang pinakamahalaga sa lahat bago mo sabihin na 'wala na talaga,' explain mo kung bakit wala na talaga. Huwag mong i-ghost. Ipaintindi mo sa kapareha mo kung anong rason behind the decision, kasi at the end, maiintindihan ka rin ng ex mo bakit hindi nag-work out ang relationship.

“Kasi pag nalaman mo kung ano ang kulang mo, mga pagkakamali mo, next time na iibig ka ulit, hindi mo na uulitin 'yun. Kung baga, kahit magkahiwalay kayo, pag ibig 'yung nawala pero 'yung respeto nandun pa rin sa isa't isa.”

Mapapakinggan sa lahat ng music streaming platforms ang “Wala Na Talaga.”

Samantala, mapapanood si Chito bilang isa sa coaches ng The Voice Generations sa GMA kasama sina Billy Crawford, Julie Anne San Jose, Stell Ajero, at host nito na si Dingdong Dantes.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.