Rendon Labador, kinumpirmang deleted na ang Facebook page; may mensahe sa kanyang followers
Ang social media personality at self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador ang nagkumpirma sa kanyang Instagram Story na nawala na ang kaniyang Facebook page ngayong araw, September 7.
Agad na nag-trending sa social media site na X (formerly Twitter) ang balita, kung saan nasa top trending list ang pangalan ni Rendon. Nauna na ring ipost ni Rendon na nakatanggap siya ng sunud-sunod na warnings mula sa Meta dahil daw nag-violate ang kanyang posts ng rules ng Community Standards ng naturang platform.
Source: X
Sa maikling statement niya sa Instagram Story, aminado ito na “nagulat” siya sa nangyari sa kaniyang Facebook account.
Aniya, “Pasensya na sa lahat ng taga support natin at kasalukuyan na hindi ako makapaniwala at nagulat sa pagkawala ng aking Facebook page.”
Source: rendonlabadorfitness (IG)
“Nagpapasalamat ako sa mga taong naniniwala at nagpapadala ng mga mensahe ngayon.”
“Pasensya na at paralisado kaming lahat dito sa pangyayari.”
May iilan naman fans niya ang nagpaabot ng suporta kay Rendon sa nangyari.
Source: rendonlabadorfitness (IG)
Samantala, ang iba naman ay natutuwa na “finally” ay nawala na ang account ng highly-controversial figure online.
Source: X (formerly Twitter)
Naging maingay si Rendon simula no'ng nagpahayag siya ng kanyang opinyon ukol sa mga samu't saring hot issues online, kasama na rito ang kanyang dating pahayag na laos na raw ang mga artista at patay na raw ang mainstream media. Ika nga ni Rendon sa kanyang X account (Twitter): "Influencers are the new celebrities! Kung hindi ninyo kayang makipag patalinuhan sa mga INFLUENCERS sa pag produce ng content... Manahimik nalang kayo. Mainstream is dead!!! Social Media is the new Mainstream."
Isa na rin sa mga issues sinakyan ng social media inluencer ay ang Vice Ganda at Ion Perez cake-eating issue, kung saan sinabi nito na ang pinakita ng dalawang personalidad sa hit variety show na It's Showtime ay "hindi dapat tinotolerate" dahil daw "mas masahol pa ito kay Pura Luka Vega."
Bago pa man pumutok ang balitang deleted na ang kanyang Facebook page, nauna na ring napabalita na wala na ring account si Rendon Labador sa TikTok.
Nakilala rin si Rendon sa kanyang #StayMotivated tweets noon.
CELEBS NA MAGKAAWAY NOON, PERO FRIENDS NA NGAYON: