Filtered By: Showbiz News | News
Christian Antolin, Marian Rivera
PHOTO COURTESY: Christian Antolin (Facebook)
Showbiz News

Christian Antolin, may regalo para kay Marian Rivera

By Dianne Mariano
Ano kaya ang regalo ng content creator na si Christian Antolin para kay Kapuso Primetime Queen Marian Rivera?

Mayroong birthday gift ang content creator na si Christian Antolin para kay Marian Rivera, na ipinagdiwang kanyang 39th birthday noong August 12.

Sa Facebook video ni Christian, makikitang dala niya sa set ng upcoming series na Against All Odds ang isang box na mayroong red ribbon, na naglalaman ng regalo ng aktres. Kasama rin ni Christian ang kanyang co-stars na sina Raphael Landicho at Kiray Celis.

Related content: Marian Rivera at Gabby Concepcion kasama Max Collins, at iba pang Kapuso stars, nagsama-sama sa story conference para sa bagong serye

Nang magkita sina Christian at Marian, ani ng una, "Itong regalong 'to, I'm sure hindi mo 'to makakalimutan. I'm sure mamahalin mo 'to, siguradong sigurado ako at… Ay ayan na nga, excited na nga siya."

Nang buksan ni Marian ang box, natawa siya nang makita na naglalaman ito ng snack mix, na kapareho ng pangalan sa asawa niyang si Dingdong Dantes.

Matapos ito, inabot ng video content creator ang tunay niyang regalo para kay Marian at ito ay ang mga red heart-shaped cocotte. Nagpasalamat ang aktres sa kanyang co-star para sa binigay nitong regalo sa kanya.

“[Ang] ganda. Thank you,” ani Marian kay Christian.

Panoorin ang buong video ni Christian Antolin sa ibaba.


Bukod dito, naghatid din ng saya si Christian kasama sina Kiray at Raphael sa social media nang sayawin nila ang awitin ni Marian na “Sabay Sabay Tayo.”

“'Sabay sabay tayo' pero individual grading by Ate Yan @marianrivera 🤭😂 #GuloGuloTayo 😂,” sulat ng Kapuso child star sa kanyang Instagram post.

Trending Articles
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.