Aiai Delas Alas tries to copy Marian Rivera's dance moves
Patuloy na humahakot ng million views ang TikTok video ni Marian Rivera.
Kasunod ng pag-viral ng naturang video, ilang fans at netizens ang sumubok na gayahin ito.
Ngunit bukod sa kanila, naengganyo rin ang ilang celebrities na gawin ito, isa na rito ay ang isa sa mga kaibigan ni Marian sa show business na si Aiai Delas Alas.
Sa Instagram, ibinahagi ni Aiai ang isang video kung saan makikita siyang inaaral ang dance moves ni Marian.
Ayon sa kanyang caption, “Bilang kambal at gusto ko makisali sa trending two days ko na siyang iniisip bakit 'di ko magawa… magaling ako sumayaw hindi ko mapaniwalaan sarili ko bakit hindi ko magawa e madali lang naman hahahahaha.”
Dagdag pa niya, “Baka 'di talaga para sakin 'to so kambal gawa ka na lang ng iba hehehe @marianrivera #trendingmoneymoneymoney #nawalannakongpagasa #ibanalangsasayawinko #shutatalagaanongnangyaresaken.”
Sa comments section, mababasa ang comment ni Marian tungkol sa video ni Aiai.
Ayon sa kanyang comment, “Wahahaha kambi.”
Bukod kay Marian, naaliw din sina Kakai Bautista at Betong Sumaya sa video.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 89.7 million ang TikTok video ni Marian.