Now We Are Breaking Up: Ang huling apat na gabi!
Mas titindi ang mga emosyon sa huling apat na gabi ng Now We Are Breaking Up.
Lumalala na ang kalagayan ni Margo. Sa #NWABUTimeToSayGoodbye episode ngayong gabi, isusugod ni Juno si Margo sa ospital.
Malalaman din nina Olive at Corrine (Song Hye-kyo) na wala nang lunas ang sakit ng kanilang kaibigan.
Hindi magtatagal at hindi na rin kakayanin ni Margo na labanan ang kanyang sakit na cancer.
Hindi lang kay Margo kailangang magpaalam ni Corrine kung hindi pati kay Jameson (Jang Ki-yong)!
Malapit nang lumipad si Jameson papuntang Paris upang ipagpatuloy ang kanyang career bilang isang photographer.
Hahayaan kaya siya ni Corrine? Paano na ang kanilang relasyon?
Tanggapin kaya ni Corrine ang alok na trabaho ni Olive sa Paris para makasama ang lalaking kanyang minamahal?
Abangan ang mas kapanapanabik na eksena sa Now We Are Breaking Up, Lunes hanggang Biyernes, 10:20 p.m., sa GMA Telebabad.