GMA Logo Rayver Cruz
Source: rayvercruz (IG)
What's Hot

Rayver Cruz, excited na sa premiere ng 'The Cheating Game'

By Kristian Eric Javier
Published July 21, 2023 2:30 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Chris Pratt takes audiences along on immersive AI journey in 'Mercy'
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Rayver Cruz


Hindi na makapaghintay si Rayver Cruz na mapanood ng mga Kapuso ang naiiba nilang character ni Julie Anne San Jose sa 'The Cheating Game.'

Sa nalalapit na premiere ng pelikula nilang The Cheating Game, hindi maitago ng isa sa lead stars nitong si Rayver Cruz ang kanyang excitement, lalo na at first movie nila ito ng partner na si Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose.

“Siyempre super excited kasi nga ang tagal din naming ginawa 'yung movie dahil nga pre-pandemic movie siya e,” sabi ni Rayver sa panayam ng GMANetwork.com sa kanya sa isang event.

Dagdag pa ng aktor, “Nakakatuwa, nakaka-excite na ilalabas na sa July 26 and sana suportahan ng mga Kapuso natin dahil maganda 'yung pelikula.”

Ayon pa sa aktor, “something different” sa nakasanayan ng mga manonood ang mapapanood nilang Julie Anne at Rayver sa pelikula kumpara sa nakikita ng mga tao sa All-Out Sundays at The Clash kaya mas kaabang-abang ang kanilang pelikula.

Dagdag pa ni Rayver, “'Yung magsama palang kami sa isang pelikula is something to look forward to, pati sa mga JulieVer fans so excited na kami.”

Dahil ito ang unang pelikula na makakasama niya si Julie Anne, aminado ang aktor natutuwa siya at sinabing surreal ang nararamdaman niya na magkasama sila sa isang project.

“Surreal ng feeling na magkasama kami sa movie naman kasi it's always performing with each other and now, 'yung mag-act kami together, acting naman,” sabi nito.

Nagpahayag din ng pasasalamat ang aktor sa GMA Pictures at GMA Public Affairs para sa proyekto at sinabing blessed sila na mapasama sa comeback movie ng production company.

Nang tanungin si Rayver kung sa anong proyekto niya gustong makasama uli si Julie Anne, ang sagot ng aktor, “Given a chance, siguro ano naman, feeling ko okay kami mag-comedy or parang action-comedy, parang Mr. and Mrs. Smith, ganun.”

Sinabi rin ng aktor na ang action genre ay “something new” na gusto nilang subukan ng aktres.

Tungkol sa mga future projects at karakter na gagampanan niya, sinabi ni Rayver na pinapahalagahan at pinaghahandaan niya ang lahat ng karakter na ibigay sa kanya ng Kapuso network ngunit kung papipiliin, ang sabi ng aktor, “pero something to look forward to, action, kapag dumating 'yung panahon.”

SAMANTALA, TINGNAN ANG MATURE SIDES NINA RAYVER AT JULIE ANNE SA 'THE CHEATING GAME' SA GALLERY NA ITO: