Barbie Forteza, nag-react sa lie detector test ni David Licauco
Nakarating na kay Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang mga naging sagot ng ka-loveteam na si Pambansang Ginoo David Licauco nang sumalang ito sa Lie Detector Test sa vlog ni multi-awarded actress and box office icon Bea Alonzo.
Natanong si David dito kung sa tingin ba niya ay nagseselos ang real-life boyfriend ni Barbie na si Jak Roberto sa kanya.
Sumagot si David na naniniwala siyang hindi ito nagseselos dahil naiintindihan nito ang trabaho ng isang artista--bagay na sinang-ayunan ni Barbie.
"I think so. Nahihiya akong tanungin pero 'pag kinukuwento ko naman sa kanya, natutuwa naman siya. Lagi lang niyang sinasabi, 'Iba ka talaga eh 'no? Kahit sino talaga eh 'no?'" lahad ni Barbie.
Natawa rin daw siya sa pagkakahuli ni David nang tanungin ito kung naisip ba niya kung maging magkarelasyon sila ni Barbie at kung may crush ba siya sa aktres.
"Nakita ko 'yung clip na 'yun. Ang cute cute ni David kasi parang kahit siya 'Huh?' Kahit siya nagulat," pahayag ni Barbie.
Gayunpaman, dinownplay naman ni Barbie ang mga "lie" ni David.
"I feel like kahit totoo naman 'yung sinabi niya, since kinakabahan siya, 'yun 'yung na-detect noong polygraph," aniya.
Bukod dito, masaya daw si Barbie na mas nakikilala niya ngayon si David bilang isang tao at isang co-star.
"Ang mature na noong mga usapan namin. Nag-o-open up siya sa akin which I appreciate so much knowing that he's very private and he's quite an introvert. Ang goal ko ngayon ay mawala 'yun," bahagni ng aktres.
Lubos daw niyang pinahahalagahan ang nabuo nilang pagkakaibigan.
"Whatever David and I have, whatever friendship I've built with him, I really treasure it. I really don't want to lose it," ayon kay Barbie.
Mapapanood sina Barbie at David sa upcoming movie nilang That Kind of Love, pati na sa upcoming television adaptation nila ng Robin Padilla and Sharon Cuneta hit movie na Maging Sino Ka Man.
Panoorin ang buong ulat ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras sa video sa itaas.
SILIPIN DIN ANG MGA ARTISTANG MAKAKASAMA NINA BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO SA TV ADAPTATION NG MAGING SINO KA MAN: