Michael V, kinilala bilang Pinoy Pop Culture Icon
Isang bagong pagkilala ang tinanggap ng Kapuso comedy genius na si Michael V sa ToyCon PH.
Ayon sa ulat ni Cata Tibayan sa State of the Nation, si Michael V ay itinanghal na Pinoy pop culture icon sa Toycon PH dahil sa kaniyang ambag sa pop culture sa larangan ng musika, telebisyon, pelikula, at online.
PHOTO SOURCE: GMA Integrated News
Sa isang interview ay inilihad ni Michael V ang pasasalamat sa pagkilalang ito. Ikinuwento rin ng Kapuso star kung ano ang kahalagahan ng award para sa kaniya.
"It's something that I will cherish for a long time kasi ito 'yung personality ko. To be able to receive this award, parang embodiment ng pagkatao ko. Napaka-special para sa akin."
Panoorin ang buong interview:
Mapapanood si Bitoy sa bagong timeslot ng Bubble Gang na 6:00 p.m. tuwing Linggo simula bukas, July 9.
SAMANTALA, BALIKAN ANG MGA TRIVIA TUNGKOL SA KAPUSO GENIUS NA SI MICHAEL V: