Article Inside Page
Showbiz News
Pagkatapos sumabak sa Earth Run, quality time naman with the family ang gusto nina Mikoy at Thea. Saan nyo sila maaaring makita?
Nakilahok ang Protégé winner na si Thea Tolentino at si Protégé runner-up na si Mikoy Morales sa Pro Earth Run Ph na ginanap sa Fort Bonifacio last April 12.
Sa naturang Earth Run, tinanong ng
GMANetwork.com si Mikoy kung ano ang nagtulak sa kanya na sumali sa ganoong event.
Sabi ni Mikoy, “I’ve always wanted to join a run, especially the ones with a cause.”
Natuwa siya sa opportunity na ito dahil bukod sa nakatulong siya na mapangalagaan ang kalikasan, nakakatulong din ito sa kanyang pangangatawan.
Ramdam na ramdam na ni Thea ang summer heat kaya naman tinanong namin siya kung may balak ba siya this summer.
Sabi ni Thea, “Gusto ko sana mag-out of town with my family kasi madalang na kami magkaroon ng family trip.”
Saan naman nila balak pumunta?
“Basta sa malayong lugar with my family, kahit saan okay lang sa akin,” sagot ni Thea.
Para naman kay Mikoy, ang kanyang travel destination this summer is Zambales.
“We’re going to the beach in Zambales with my family and relatives. I’m also planning to take up driving lessons,” pagbahagi niya.
Mapapanood si Mikoy Morales sa
Villa Quintana pagkatapos ng
Eat Bulaga. Si Thea Tolentino naman ay napapanood gabi-gabi sa
Kambal Sirena pagkatapos ng
24 Oras. Huwag palampasin ang show nila together ngayong Sabado sa
Maynila!
Para sa latest sa kanila, bumisita lagi sa
www.gmanetwork.com.
-- Text by Eunicia Mediodia, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com