Ruru Madrid
Image Source: rurumadrid8 (Instagram)
TV

Bagong primetime series ni Ruru Madrid na 'Black Rider,' nagsimula nang mag-taping

By Marah Ruiz
Updated On: September 8, 2023, 01:19 PM
Nagsimula na ang taping ng upcoming full action series ni Ruru Madrid na 'Black Rider.'

Umuusad na ang produksiyon ng upcoming full action series ng GMA Public Affairs na Black Rider.

Ibinahagi ng bida nitong si Kapuso Action Drama Prince Ruru Madrid ang ilang behind-the-scenes photos sa unang araw ng kanilang taping.

Image Source: rurumadrid8 (Instagram)



Makikita rito si Ruru na nakasuot ng uniporme na typical sa mga delivery riders.

Kasama niya sa pilot taping ng serye sina Shanti Dope, Rainier Castillo, Janus del Prado, Empoy Marquez, Jayson Gainza, Jon Lucas at Salome Salvi.

"BLACK RIDER PILOT TAPING 🖤 Kasama ang mga makikisig na mga Brader ng BIYAHERO! 🏍️" sulat ni Ruru sa caption ng kanyang post.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Ruru na inabot ng buwan ang naging preparasyon niya para sa role niya sa Black Rider bilang Elias, isang rider ng fictional delivery app service na Biyahero na magiging bayani ng lansangan at haharap sa isang malaking sindikato.

"I also trained in motocross for this. Nag-big bike [training] din ako, nag-track [training] ako dahil magiging challening din 'yung pagmo-motor. At the same time, nag-training din kami for cinematic fight scenes," bahagi ni Ruru.

Abangan si Ruru Madrid sa upcoming full action series na Black Rider, soon on GMA Telebabad.

SAMANTALA, SILIPIN ANG STAR-STUDDED CAST NG BLACK RIDER DITO:

NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.