GMA Logo rex baculfo
What's Hot

Rex Baculfo, handa na sa kanyang 'new beginnings' bilang isang Sparkle artist

By Kristian Eric Javier
Published June 10, 2023 7:06 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Ada speeds up slightly as it moves away from PH
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

rex baculfo


Masaya at looking forward na si Rex Baculfo bilang pinakabagong Sparkle artist ng GMA.

Sa pagkapanalo ng The Clash season 5 grand champion na si Rex Baculfo, kasama sa mga napanalunan niya ay ang exclusive contract sa GMA Artist Center. Dahil dito, ganap nang Sparkle Artist ang kampeon at handa na siyang harapin ang kanyang "new beginnings" bilang isang Sparkle artist.

“Elated talaga, sobrang saya, sobrang looking forward for new beginnings po talaga ako,” sabi ni Rex sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast.

“Kasi, first time na may magmanage sa akin na sobrang laking management ang Sparkle,” sabi nito.

Dagdag pa ni Rex ay hindi raw niya sasayangin ang binigay o ibibigay na tiwala sa kaniya at ipinangako na gagawin niya ang kanyang makakaya sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

“Kung meron silang ibibigay na project sa akin hindi ko sasayangin talagang gagawin ko 'yong best ko,” sabi nito.

Naibahagi rin ni Rex na ayon kay Miss Joy Marcelo, ang AVP ng Sparkel GMA Artist Center, siya ang kakanta ng mga theme songs ng teleserye nina Barbie Forteza at David Licauco, na mas kilala nilang “BarDa.”

“Sobrang big news po sa akin 'yon nung sinabi ni Miss Joy kaya siguro tinatago ko lang din 'yong kilig ko nun,” sabi ni Rex tungkol dito.

Dagdag pa nito, “Sobrang saya na hala kakanta ako ng isang teleserye theme song. Tapos ang kasama ko pa si Miss Barbie at si David. Parang wow ano pa ba ang mahihiling ko?”

Sinabi ni Rex na sa huli ay gagawin lang niya ang best niya at ibibigay ang buong-buo ang sarili niya sa mga proyektong parating.

Samantala, nang tanungin naman siya kung handa na ba siyang sumikat, ang sagot ni Rex, “Siguro if it comes, tsaka ako siguro magiging ready.

“Kasi hindi ko pa naman siya siguro na eexperience ngayon. Pero 'yon hindi ko rin po kasi iniisip 'yong sarili ko na sikat po, e.

Pagpapatuloy ni Rex, “Talagang ano lang talagang hindi po sa iniisip ko na work po ito, well it is talagang trabaho po ito, pero ang much much iniisip ko, much bigger na iniisip ko is just to entertain.”

Pakinggan ang kabuuan ng interview ni Rex sa Updated with Nelson Canlas podcast:

SAMANTALA, TIGNAN ANG ILANG MGA KAPUSO SINGERS NOONG NAKARAANG THANKSGIVING GALA NA MAKAKASAMA NI REX: