Megan Young is honored to be working again with Dingdong Dantes in 'Royal Blood'
Honored at excited si Megan Young na muling makatrabaho sa iisang serye si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Ayon kay Megan, una niyang nakatrabaho ang aktor nang kapwa maging host ng StarStruck Season 6. Isa naman si Megan sa naging leading ladies ni Dingdong sa GMA series na Alyas Robinhood. At ngayon muling magkakasama ang dalawang aktor sa upcoming murder mystery drama na Royal Blood.
"It's great kasi na-witness niya ang pagsimula ko bilang artista kasi siya 'yung host namin sa StarStruck,” kuwento ni Megan sa GMANetwork.com.
Dagdag niya, "So it's great that I get to work with somebody I look up to growing up and finally makakasama ko siya ulit. It's such a great honor and privilege to be working with such a great artist in the industry."
Sa Royal Blood, makikilala si Megan bilang Diana, asawa ni Kristoff Royales (Mikael Daez) at may isang anak, si Archie Royales (Aidan Veneracion) na mayroong autism.
Habang pagbibidahan naman ni Dingdong si Napoy, illegitimate child ng business tycoon na si Gustavo Royales (Tirso Cruz III) at isang mapagmahal na single father sa babae niyang anak na si Lizzie (Sienna Stevens). Sinisikap niyang maibigay ang pangangailangan ng anak sa pagtatrabaho bilang isang motorcycle rider. Naging kumplikado ang lahat kay Napoy nang maging pangunahing suspek siya sa pagkamatay ng ama.
Sa interview, ibinahagi rin ng aktres ang dapat na abangan ng manonood sa gagampanan niyang karakter sa Royal Blood.
"Ang pwede nilang abangan sa akin o sa karakter ko na si Diana ay kung paano niya itu-twist ang buhay ng iba pang makakasama niya rito sa pamilya niya, kay Napoy, sa buhay ni Napoy. So mabait ba talaga siya o may hidden agenda, hindi natin alam. Kahit ako hindi ko alam so aabangan ko rin."
Makakasama nina Megan at Dingdong sa star-studded na cast ng Royal Blood sina Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos. Ipinakikilala si Rabiya Mateo kasama sina Benjie Paras, at Arthur Solinap. Gaganap sa isang espesyal at mahalagang role sa serye ang multi-awarded actor na si Tirso Cruz III bilang Gustavo Royales.
Abangan ang world premiere ng Royal Blood ngayong June 19 sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG ILANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS MULA SA SET NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: