IN PHOTOS: Kapamilya stars na naging Kapuso ngayong 2018
Kilalanin ang mga celebrities na buong puso sa pagiging Kapuso ngayong 2018.
Devon Seron
Si Devon Seron ay naging parte ng reality show ng ABS-CBN bago siya lumipat ng GMA Network. Kuwento ni Devon sa isang exclusive interview ay personal umano niyang desisyon ang lumipat sa Kapuso Network, "Actually personal decision ko talaga siya. For me, I think makakatulong siya sa 'kin sa pagiging malawak ko as an artist. And of course, sa tingin ko, it will help me to grow as an actress talaga."
Rayver Cruz
September 2018 nang lumipat sa GMA Network ang actor/ performer na si Rayver Cruz. Eighteen years ang kanyang itinagal sa kabilang network bago siya nagdesisyong maging opisyal na Kapuso.
Manolo Pedrosa
Si Manolo Pedrosa ay produkto rin ng reality show mula sa kabilang istasyon. Tumigil sandali si Manolo upang magbigay ng oras sa kanyang pag-aaral. Pagkatapos nito ay muli siyang bumalik sa showbiz at pumasok sa GMA Network.
Paul Salas
Muling bumalik sa pagiging Kapuso si Paul Salas nitong May 2018. Si Paul ay mula sa reality-based artista search ng GMA Network na 'StarStruck Kids.'
Laura Lehmann
Bukod sa pagiging beauty queen ay dating ring courtside reporter si Laura Lehmann para sa ABS-CBN Sports.
Gelli de Belen
After almost a decade ay balik Kapuso Network si Gelli de Belen ngayong 2018. Siya ay parte ngayon ng 'Ika-5 Utos' kung saan kasama niya rin ang kanyang pamangkin na si Inah de Belen.
Mark Bautista
Bukod sa pagsulat ni Mark Bautista ng librong 'Beyond the Mark' kung saan inamin niyang siya ay bisexual, ngayong taon rin siya nagbalik Kapuso.
Matt Evans
Diretsahang inamin ni Matt Evans ang kanyang dahilan sa paglipat sa GMA Network. Ani ni Matt, "Aaminin ko po, marami na rin po kami sa Dos at tatay na rin po ako so kailangan ko rin po ng mas marami pang trabaho."
Kelley Day
Ang Fil-British actress na Kelley Day ay lumipat sa GMA Network para i-push ang kanyang solo career.
John Estrada
Si John Estrada ay diretsahang inamin na gusto niya ang mga inoffer ng GMA Network sa kanyang paglipat. Aniya, "It's a fact naman na men love challenges. As you mature, siyempre madami kang gustong patunayan sa sarili mo. At sa GMA, medyo maganda talaga [and] interesting 'yung content. At of course, bagay sa'kin 'yung versatility na ino-offer nila."