IN PHOTOS: Celebrity look-alikes ng mga Miss Universe 2018 candidates ayon sa mga netizens
Maraming netizens ang nakapansin na may pagkakahawig ang ilan sa mga Miss Universe 2018 candidates sa ilang local and international stars.
Catriona Gray
Ang pambato ng Pilipinas na si Catriona Gray ang kinoronahang Miss Universe 2018. Ginanap ang coronation sa Thailand last December 17.
Urassaya Sperbund
Maraming nakakapansin na may pagkakahawig si Catriona Gray sa Thai superstar na si Urassaya Sperbund, na kilala rin bilang si Yaya. Ilan sa mga Lakorn dramas ni Yaya na umere na sa GMA Heart of Asia ay ang 'Waves of Life' at 'Switch.'
H'Hen Niê
Si Miss Vietnam H'Hen Niê ay ang contestant na may mala-Cinderella naistorya. Naransan na niya maging kasambahay upang tustusan ang kanyang pag-aaral. Ngayon ay isa na siyang ganap na beauty queen.Nakapasok sa Top 5 ng Miss Universe 2018 competition si H'Hen Niê.
Rita Daniela
May ilang fans ng 'My Special Tatay' ang nakapansin na malaki ang pagkakahawig ni H'Hen Niê kay Rita Daniela bilang ang karakter nitong si Aubrey.
Emma Strandberg
Si Miss Sweden na nag-represent sa Miss Universe 2018, ay siya ring nag-represent sa kanyang bansa sa Miss World 2016. Nagkasama sila ni Catriona Gray both sa Miss World 2016 at Miss Universe 2018.
Mariah Carey
Sa isang meme kung saan nasa likod ni Catriona si Miss Sweden Emma Strandberg, may mga nag-point out na kahawig ni Emma ang Songbird Supreme na si Mariah Carey.
Marta Stepien
Nakaabot ng Top 10 sa Miss Universe 2018 si Miss Canada Marta Stepien. Sumali na siya sa Miss Canada noong 2017, kung saan siya naman ay nakapasok bilang 1st runner-up.
Taylor Swift
Kapuna-puna na nagkakamukha ang "look" nina Miss Canada Marta Stepien at ni "Look What You Made Me Do" singer na si Taylor Swift.
Tamaryn Green
Si Miss South Africa Tamaryn Green ang tinanghal na first runner-up sa Miss Universe 2018 competition.
Ariana Grande
Dahil na rin siguro sa ayos ng buhok ni Miss South Africa Tamaryn Green na similar kay "Thank U, Next" singer na si Ariana Grande kaya may mga memes at jokes na nagkalat na tila sumali rin si Ariana sa Miss Universe.
Gal Gadot
Ilang netizen ang nagco-comment sa posts sa Facebook ang nagsabi na tila hawig sina Miss Israel 2018 Nikol Reznikov at 'Wonder Woman' actress Gal Gadot. Si Gal Gadot ay kinoronahan naman bilang Miss Israel noong 2004.