IN PHOTOS: Ken Chan, Pia Wurtzbach, and other personalities honored in Walk of Fame
Kilalanin ang pinakabagong grupo ng mga personalidad na nahandugan ng bituin sa German Moreno Walk of Fame sa Eastwood City.
Rico Hizon
Isang former GMA News anchor at ngayon ay BBC news presenter si Rico Hizon. Dahil sa kaniyang trabaho, nakapanayam na niya ang ilang malalaking international personalities tulad nina Bill Gates at Sir Richard Branson.
Ken Chan
Maraming mga challenging roles na ang tinaggap ni Ken Chan tulad ng transgender woman in 'Destiny Rose' at isang tatay na may mild intellectual disability sa 'My Special Tatay.'
Dr. Jose Perez
Binigyan din ng posthumous Walk of Fame star ang film producer at star-maker na si Dr. Jose Perez. Naging malaki ang kanyang kontribusyon sa larangan ng showbiz bilang isa sa mga utak sa likod ng Sampaguita Pictures.
Marichu Vera-Perez Maceda
Itinuloy ni Marichu Vera-Perez Maceda, o mas kilala bilang Manay Ichu, ang legacy na iniwan ng kaniyang mga magulang sa Sampaguita Pictures. Bukod dito, maituturing din siyang pioneer sa ilang film-related institutions tulad ng Philippine Motion Pictures Producers Association and the Film Fund.
Chito Roño
Kilala ang film producer at director na si Chito Roño sa mga pelikulang engrande at hitik sa special effects. Ang kaniyang latest movie na 'Signal Rock' ay ang opisyal na entry ng Pilipinas para sa Foreign Language Film category sa 91st Academy Awards o Oscars.
Vhong Navarro
Nagsimula bilang isang dancer, mas nakilala si Vhong Navarro bilang isang comedian at TV host.
Pia Wurtzbach
Itinuturing daw ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na "newbie" ang sarili sa showbiz, pero lubos pa rin siyang nagpapasalamat sa parangal.
Julia Barretto
Pinarangalan din ng bituin sa Walk of Fame ang young actress na si Julia Barretto para sa kanyang mahusay na pagganap sa mga pelikula tulad ng 'Love You To The Stars and Back' at 'I Love You, Hater.'