GMA Logo Seo Yea-ji
What's Hot

Eve: Walang takot na sisirain ni La-el ang pamilya ni Connor

By Abbygael Hilario
Published May 1, 2023 1:38 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Seo Yea-ji


Nakapasok na si La-el (Seo Yea-ji) sa bahay nina Silvia (Yoo Sun) at Connor (Park Byung-eun).

Gagawin ni La-el (Seo Yea-ji) ang lahat para mapabagsak ang LY group business empire!

Sa pamamagitan ng pagsasayaw ng Tango ay tuluyan niyang nanakawin ang puso ni Connor (Park Byung-eun) sa asawa nitong si Silvia (Yoo Sun).

Sa #EveSnooping episode noong Biyernes, April 28, ay nakapasok na si La-el sa bahay nina Silvia. Para sa kanya, ito ang isa sa mga hakbang para makakuha ng ebidensya at mapabagsak ang kumpanya nina Connor.

Unti-unti na ring nahuhulog si Silvia sa patibong ni La-el. Nagiging malapit na sila sa isa't isa. Tuturuan niya ito kung paano magsayaw ng Tango ngunit hindi para tulungang magkaanak kay Connor kundi para ipahiya sa harap ng maraming tao.

Samantala, magiging katuwang naman ni La-el sa kanyang plano si Andrew (Lee Sang-yeob), ang dating scholar ng kanyang ama na ngayon ay isa nang human rights lawyer.

Sa kanilang muling pagkikita, mas mapadali kaya ang pagpapabagsak nila sa kanilang kalaban?

Abangan sa Eve, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m., at Biyernes, 10:35 p.m., sa GMA Telebabad.


KILALANIN ANG CAST NG KOREAN MELODRAMA SERIES NA 'EVE' SA GALLERY NA ITO: