#PusoNgPasko: Kapuso stars, nakiisa sa iba't ibang adbokasiya ngayong Pasko
Ipinadama nila ang puso ng Pasko sa pamamagitan ng pakikiisa sa mga grupo at indibidwal na may iba't ibang adbokasiya.
Heart for PAWS
Isang dekada nang ambassador si Heart Evangelista para sa Philippine Animal Welfare Society o PAWS.
GMA Kapuso Foundation
Sa isang pambihirang pagkakataon, ipinasilip ni Mel Tiangco ang operations center ng GMA Kapuso Foundation kasama nina Dr. Ferds Recio, Rhea Santos, Lyn Ching at Dr. Nielsen Donato.
Repacking
Sinamahan nila ang mga GMA Kapuso Foundation volunteers sa pag-aayos ng mga packs na ipamimigay ngayong Pasko.
Marian for little people
Hindi raw nag-atubling tumulong si Marian Rivera matapos makatanggap ng sulat mula kay Maria Gloria Tomen, ang spokesperson ng Big Dreams for Little People Philippines.
Merienda
Namigay ng merienda sina Janine Gutierrez, Andrea Torres at Mike Tan kasama si Raymond Magdato na nagdaraos ng feeding program tuwing Pasko.
Pandesal
Hindi pinalampas nina Joyce Ching, Ken Chan, Gabby Concepcion, Eugene Domingo, Howie Severino, David Licauco si Randolf Abela na namimigay ng pandesal para sa bata at matanda.
Toy library
Nag-donate nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Mika dela Cruz, at Kapuso child stars Leanne Bautista, Angelica Ulip, Jacob Briz, Caprice Cayetano, Dayara Shane at Bryce Eusebio ng mga laruan sa Philippine Toy Library.
Puso ng Pasko
Panoorin ang full at exclusive online version ng GMA Christmas Station ID 2018: Ipadama ang #PusoNgPasko kung saan nagsama-sama ang mga artista, news personalities, empleyado at mga tao o grupong may iba't ibang adbokasiya para sa kanilang mga kapwa.