Meet Mela Habijan, the first-ever crowned Miss Trans Global
Noong 2018, mainit ang pagtanggap sa GMA afternoon drama na 'Asawa Ko, Karibal Ko' dahil sa kontrobersyal na tema at pagpapakita nito sa mga transgender women sa ating bansa.
Isa sa cast nito ay si Mela Habijan, isang LGBTQIA+ advocate, na ngayon ay nagantimpalaan bilang Miss Trans Global 2020. Siya ang kauna-unahang title holder at kauna-unahang Pinay na nagwagi sa kompetisyon.
Kilalanin si Mela Franco Habijan o mas kilala bilang Mela, ang reigning Miss Trans Global, sa gallery na ito.
Transgender woman
Si Mela Franco Habijan o Mela ay nakilala bilang isang TV writer, online content creator, educator, at ngayon bilang isa sa mga trans women artists sa Asawa Ko, Karibal Ko.
Franco
Isang normal na estudyante lamang noon si Mela na mas kilala sa kaniyang pangalan na Erick Franco Habijan. Nagtapos si Mela ng Bachelor of Arts in Communication sa Ateneo de Manila University.
Fitness
Tulad ng isang normal na babae, concerned din si Mela sa kaniyang figure lalo na't importante ito sa pag-transition bilang isang trans woman.
'Asawa Ko, Karibal Ko'
Napapanood si Mela sa 'Asawa Ko, Karibal Ko' bilang best friend ni Venus, (Thea Tolentino) na dating asawa ni Rachel (Kris Bernal).
Acting
Kuwento ni Mela sa kaniyang Instagram, “Never in my wildest dreams did I see myself acting for a teleserye. Maarte lang naman ako pero hindi ako umaarte. But when I was tapped to act as a transgender woman named “Mela”, sino ba naman ako para umarte?”
Miss International Queen
Kasalukuyan naghahanda si Mela para sa kaniyang pagsali sa Miss International Queen, ang pinakamalaking beauty pageant para sa transgender women.
Vlogging
Mahilig din si Mela sa vlogging, kung saan madalas niyang nababanggit ang pagiging isang transgender Pinay.
Love wins
Inspirasyon ni Mela ang pagmamahal at pagtanggap sa kaniya ng kaniyang mga magulang sa pagiging mas confident na trans woman.
Campaign
Tumakbo noong 2016 si Mela, na noon ay kilala pa bilang Erick Habijan para sa pagka-Councilor sa District 2 ng Marikina City. Nag-viral ang kanyang mga campaign posters na may slogan na “Bago. Bata. Bakla.” Umani ng atensyon online ang kanyang posters matapos na subukin na ipatanggal ang mga ito dahil sa kanyang slogan.
Viral
'Di man nagwagi sa eleksyon, nagbigay ng pasasalamat si Mela sa lahat ng mga sumuporta sa kaniyang pagkandidato. 'I DID NOT WIN THE ELECTIONS BUT... I put up a good fight! Walang daya. Walang biniling boto. Walang binaklas na poster. Walang siniraang kapwa kandidato.'
Fighter
Isang LGBTQIA+ advocate si Mela. Sa katunayan, ginagamit niya ang kanyang boses at plataporma para pairalin ang isang safe at equal environment para sa mga transpeople na katulad niya.
Fashion
Ipinapakita ni Mela ang galing ng mga Pilipino sa pamamagitan ng pagsuot ng mga disenyo ng Pinoy tuwing may international competitions.
Queen
Matapos ang pagsali niya sa Miss International Queen noong 2018, sumabak muli sa isang international competition si Mela ngayong 2020.