Dingdong Dantes, sumabak na sa taping para sa murder mystery drama na 'Royal Blood'
Nagsimula na ang taping para sa upcoming murder mystery series na Royal Blood, na pinagbibidahan ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.
Unang araw pa lamang ng taping ay kitang-kita na ang matinding preparasyon ng cast at crew para sa pinakamalaking suspenserye ng GMA ngayong taon.
Sa inilabas na three-minute video ng GMA Network, ipinasilip ang bagong look ni Dingdong bilang Napoy. Ani ng aktor, "First day talaga, sobrang nangangapa."
Ipinakita rin ang ilang behind the scenes ng eksena ni Dingdong kasama sina Rabiya Mateo, Arthur Solinap, at Benjie Paras.
"Kung nagustuhan nila ang Widows' Web, ito mas mysterious. Syempre marami kaming paglalaruan na characters and manghuhula ulit kayo kung sino talaga ang killer. Exciting 'to, kahit kami hindi namin alam," pagbabahagi ni Arthur tungkol sa serye.
Kasama rin sa star-studded cast sina Mr. Tirso Cruz III, Megan Young, Dion Ignacio, Mikael Daez, Lianne Valentin, at Rhian Ramos.
Ang Royal Blood ay sa ilalim ng direksyon ni Direk Dominic Zapata. Abangan ito soon sa GMA Telebabad.
TINGNAN ANG NAGANAP NA STORY CONFERENCE NG ROYAL BLOOD SA GALLERY NA ITO: