Filtered By: Showbiz News | News
xian lim
Showbiz News

Xian Lim, nalulungkot kapag nababakante

By Nherz Almo
Xian Lim: "I try my best to be busy. Ang sad kapag walang ginagawa."

Kilala si Xian Lim sa pagiging multi-talented niya dahil bukod sa pagiging aktor at TV host, isa rin siyang music artist, scriptwriter, at direktor sa telebisyon at pelikula.

May ilang pagkakataong na halos sabay-sabay niyang ginagawa ang dalawa o tatlo sa mga ito. Sa katunayan, sa kanyang bagong fiver-year-contract sa Viva Entertainment at Viva Artist Agency, nakasaad dito na bukod sa pagiging aktor at direktor, maaring magkaroon siya muli ng music projects.

Kaya naman tinanong ng GMANetwork.com si Xian, “Paano mo nahahati ang oras mo sa mga gusto mong gawin?”

Sagot ni Xian, “I love what it is what I'm doing, especially sa pagsusulat.”

Nakausap ng GMANetwork.com at iba pang piling entertainment media si Xian sa contract renewal niya sa Viva Entertainment kamakailan.

Dito, nabanggit niya na minsan kahit nasa taping, nagsusulat din siya ng script para sa ibang binubuong proyekto.

“Maraming nagtatanong sa akin na cast members sa Hearts on Ice, 'Bakit ka ba laging may laptop.' 'Tapos, tinitingnan nila, 'May sinusulat ka ba? Ano 'yang sinusulat mo?' During break, that's what I'm doing, I'm writing,” ani Xian.

Ayon kay Xian, maraming bakanteng oras ang mga artista, lalo na sa taping.

“I don't know you've heard this before, artists are kind of being paid to wait, kasi ang daming waiting time. So much waiting time, parang it's 10 percent acting, 10 percent na tatawagin kami, 'tapos 80 percent na nakaupo lang kami, waiting for them to call us. So yun, napakaraming oras.

“I guess, in terms of juggling the time, gusto ko naman po talaga ang ginagawa ko. It's flowing naturally sa schedule ko.”

Dagdag pa ng aktor, di niya kaya na mabakante sa mahabang panahon.

"I can't, parang it's a very sad place. I mean, I'm sure sa inyo rin, ang daming tumatakbo sa isip nating lahat kapag nababakante. So, I try my best to be busy. Ang sad kapag walang ginagawa. I always wanna keep on doing something kasi sayang ang oras."

Samantala, nagpapasalamat si Xian dahil nagugustuhan ng mga manonood ang Hearts On Ice.

Katulad ng nabanggit leading lady niyang si Ashley Ortega sa kanyang Instagram post kamakailan, sinabi ni Xian, hindi biro gawin ang isang teledrama na figure skating ang tema.

Kaya naman nakatutuwa raw malaman na marami ang nagiging interesado sa kanilang istorya.

Aniya, “We're having so much fun doing it kasi para lang talaga kaming naglalaro. Mahirap gawin pero seeing the final product, nakakatuwa kasi ang ganda niya. 'Tapos it's an out of the box concept, it's something new.”

TINGNAN ANG ILANG MGA LARAWAN NI XIAN LIM DITO BILANG KAPUSO:

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.