
Nagbigay ng pasasalamat ang ina ng KATSEYE member na si Sophia Laforteza na si Carla Guevarra sa mga sumusuporta at nananalangin para sa kaniyang anak.
Ito ay matapos mag-anunsyo ni Sophia ng kaniyang hiatus mula sa group activities ng grupo nitong Sabado, August 8.
READ: Sophia Laforteza of KATSEYE announces temporary hiatus
“Thank you for your kind messages and concern and offer of prayers for Fifi. The girls work sooo hard that they forget that they are human who need rest. So rest and recover she shall,” sulat ni Carla sa kaniyang Instagram post.
Ipinahayag din niya kung gaano sila ka-grateful sa management ng KATSEYE sa pangangalaga ng mga ito sa mga miyembro ng grupo at sa pag-prioritize ng kalusugan nila.
Matatandaan na inanunsyo ni Sophia kamakailan na magkakaroon muna siya ng temporary break mula sa activities ng kanilang grupo. Sa social media, ipinahayag ng leader ng KATSEYE na gusto niya munang pagtuunan ng pansin ang kaniyang kalusugan.
“It truly breaks my heart to have to miss out on a lot. You know how much I love being on stage, performing, and sharing these moments with you. Making this decision wasn't easy, but I'm learning that health has to come first. I'm realizing that if I don't take care of my mind and body now, I won't be able to keep doing what I love the most for so long,” sabi ni Sophia.
Ipinangako naman niya na magpapagaling siya “and come back stronger.”
In-encourage din niya ang fans na patuloy na suportahan ang KATSEYE kahit naka-break siya, “'Til then, please continue to be kind and give KATSEYE all your love and support as we fulfill our promise to show up for you in every way we can. I'll be here as one of the EYEKONS in the meantime with y'all. See you soon.”
Ang KATSEYE ay ang girl group na nakabase sa Los Angeles na kinabibilangan ng mga miyembro na galing sa Philippines, South Korea, Switzerland, at United States. Kabilang sa naturang global girl group sina Sophia, Daniela Avanzini, Lara Raj, Manon Bannerman, at Megan Skiendiel.