Showbiz News

Mylene Dizon, paano napapayag si Jason Webb na gupitan ng buhok?

By Aaron Brennt Eusebio

Kinuwento ng batikang aktres at isa sa mga bida ng Bilangin ang Bituin sa Langit na si Mylene Dizon kung paano niya napapayag ang kanyang nobyo na si Jason Webb na gupitan ito ng buhok.

'Bilangin ang Bituin sa Langit' actress Mylene Dizon cuts boyfriend Jason Webb's hair

Sa eksklusibong panayam ng GMANetwork.com, inamin ni Mylene na si Jason ang nagsabi sa kanya na gawin ito.

Kuwento ni Mylene, “'Yung daughter niya, sabi sa kanya, gugupitan daw siya. Ginupitan siya nung daughter niya.”

May dalawang babaeng anak si Jason sa dati niyang asawa na si Claudine Trillo.

“E jusko, maryosep, e talagang nakakatawa. As in, jusko. So ako, medyo nakatingin lang ako na ano gagawin nito?” saad ni Mylene.

“So pinanindigan ni Jason ng ilang araw na ganun 'yung buhok niya.

“Hanggang umano na siya, tumingin siya sa akin at sabi niya, 'Gupitan mo na ako. Ayusin mo na 'to.”

Ayon kay Mylene, wala siyang experience sa paggupit kaya kung pangit man ang kalalabasan, kakalbuhin na niya si Jason.

“Sabi ko hindi ako marunong maggupit pero may clippers naman e. Sabi ko sa kanya, kung hindi maganda kalalabasan, eh di ahitin natin lahat, ganun na lang,” pag-amin ni Mylene.

“E maganda naman lumabas. Pantay actually e, okay e.”

Panoorin ang buong interview ni Mylene sa Kapuso Showbiz News na ito:

IN PHOTOS: Mylene Dizon's handsome boyfriend Coach Jason Webb