Filtered By: Showbiz News | Hobbies and Interests
Showbiz News

Tom Rodriguez, tuloy ang pagguhit para sa 'Guhit Pantawid: Portraits for a Cause' sa kabila ng pressure

By Dianara Alegre
Tom Rodriguez, tuloy ang paglikom ng donasyon para sa 'Guhit Pantawid: Portraits for a Cause.'

Inilunsad ng real-life couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana ang fundraising na “Guhit Pantawid: Portraits for a Cause” kung saan ang kapalit ng mga donasyon para sa mga daily wage earner ay drawings at sketches mula sa aktor.

Ang Kapuso actor ang personal na gumuguhit ng mga ihahandog sa mga donors. Ang malilikom na halaga ay magiging tulong para sa mga vendor, tricycle driver, at construction worker na apektado ng coronavirus pandemic.

Espesyal umano ito kay Tom dahil first time niyang tumanggap ng commission artworks at maraming tao ang maaabot ng kanyang pagtulong.

Ibinahagi rin ng aktor na nagagawa niyang matapos ang mga sinimulan niyang artwork dahil responsibilidad ang tingin niya rito.

“Ngayon 'pag umaabot ako sa punto na 'yon, I want to stop and move to something else, it holds me accountable. Because this is for a purpose, this is for a reason,” aniya.

Gayunman, kahit may nararamdamang pressure, tuloy pa rin ang pagguhit ni Tom para sa mga taong nangangailangan ng tulong.

“After ko matapos i-drawing and signed it, I put a little message for them. That way…grabe 'yung pasasalamat ko sa kanila because I know how difficult the circumstances are now and they are extending themselves out para lang matulungan din 'yung mga daily wage earner sa 'tin,” dagdag pa niya.

Samantala, pinaalalahanang muli ni Carla ang publiko na manatili sa kanilang mga bahay bilang tulong sa pagsupo ng COVID-19 crisis sa bansa.

“Ang daming nagi-guilty na hindi sila makapagbigay ng tulong but staying at home is really the best way to think and help. 'Wag tayong mawawalan ng pag-asa. Sulitin na lang natin 'yung time natin para makapagpahinga, na gawin 'yung mga hobbies,” aniya.

GUHIT PANTAWID: Portraits for a Cause For the benefit of Drivers, Street Vendors and Construction Workers We're back for Batch 2 with our new volunteer artists: Tom Rodriguez of GMA 7 and Gab Garcia of Fluffi Comics! Get your #GuhitPantawid in 3 easy steps: 1. Donate a min. of P500 to your beneficiary of choice through the ff Facebook Groups: SuperTsuper for Drivers https://www.facebook.com/groups/supertsuper/ #PasokMgaSuki for Street Vendors https://www.facebook.com/groups/PasokMgaSuki2020/ Tulong sa Construction Worker for Construction Workers https://www.facebook.com/groups/3227742553916706 Pls note that we won't handle your money! We want it to go straight to those in need so they can use it ASAP. You may spread out your donation to multiple beneficiaries. 2. Fill up this Google Form: bit.ly/guhitpantawid to claim your portrait. Pls have your Donation Slip/s and Portrait Reference Photos ready! Rate is P500/head, max of 2 heads per portrait. (Yes, pets count as heads!) 3. Pls stay safe at home while waiting for your #GuhitPantawid portrait. We'll get back to you as soon as we can! Batch 2 will be accepting requests until APRIL 17, 2020 only. For questions, please message Frances www.facebook.com/veryfrances www.instagram.com/veryfrances Thank you for your big big heart! - Team Guhit Pantawid

Isang post na ibinahagi ni Tom Rodriguez (@akosimangtomas) noong

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Kapuso stars, may payo para sa fur parents at kanilang pets ngayong ECQ

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.