Filtered By: Showbiz News | Hobbies and Interests
Showbiz News

Mylene Dizon at Kyline Alcantara, may backyard farming strategy ngayong quarantine

By Dianara Alegre
Updated On: April 15, 2020, 01:31 PM
Dahil sa enhanced community quarantine, minabuti nina Mylene Dizon at Kyline Alcantara na pag-araalan kung paano mag-backyard farming.

Hindi lang fitspiration ngayong quarantine ang aktres na si Mylene Dizon dahil abala rin siya sa kanyang vegetable garden sa Silang, Cavite.

Today's harvest: Sugarbeets, carrots and fennel 😁

A post shared by Mylene Dizon (@missmylenedizon) on

Sa Silang pinapalipas ng aktres ang Luzon-wide enhanced community quarantine na nagsimula pa noong March 17.

Likas na mahilig magtanim ng mga gulay at prutas si Mylene at magandang panahon ito para bigyang-pansin ang kanyang hobby.

“Inumpishan ko 'to nu'ng lockdown kasi dati nu'ng nagte-taping ako lagi hindi ko na masyadong nabibigyan ng pansin pero ngayon, araw-araw atleast naaasikaso ko 'yung garden ko.

“Importante kasi ang food security lalo na sa mga panahon na ito,” dagdag pa niya.

Bukod kay Mylene, nagba-backyard farming na rin sa Bicol si Kapuso actress Kyline Alcantara na co-star niya sa Bilangan Ang Bituin sa Langit.

Ayon kay Kyline, malaking tulong raw ang tanim nila sa pang-araw-araw na pagkain ngayong may Luzon quarantine.

“Katulad ng apo ngayon, lockdown, hindi po natin kailangan maging dependent sa palengke at makatutulong pa po tayo sa ating mga frontliners dahil mas male-lessen pa po ang ating paglabas-labas,” lahad ng aktres.

Samantala, nitong April 11 ay nanawagang muli si Senator Cynthia Villar, chair of the Senate committee on agriculture and food, sa publiko na isaalang-alang ang home gardening at backyard farming upang mapanatiling may mapagkukunan ng pagkain sakaling kailanganin.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

Mylene Dizon tries growing veggies with ecobricks made from Taal ashfall

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.