Filtered By: Showbiz News | Hobbies and Interests
Showbiz News

Jasmine Curtis-Smith, inaaliw ang sarili sa pagwo-workout, gawaing bahay

By Dianara Alegre
Jasmine Curtis-Smith, pagwo-workout at paggawa ng mga gawaing bahay ang pinagkakaabalahan ngayong mayroong enhanced community quarantine.

Bukod sa pagka-miss ni Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) actress Jasmine Curtis-Smith sa kanyang pamilya na nasa Australia ngayon, inamin niyang nalulungkot siya dahil hindi niya masusubaybayang lumaki ang pamangkin niyang si Dahlia Amelie, ang one-month old na anak ng ate niyang si Anne Curtis.

Sa Australia na namamalagi si Anne kasama ang mommy nilang si Mommy Carmen bago pa man pumutok ang 2019 coronavirus disease (COVID-19) at magpatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon dahil sa kanyang pagbubuntis at kalauna'y panganganak.

Hindi na matutupad ang plano niyang paglipad sa Australia ngayong Holy Week dahil mahigpit itong ipinagbabawal.

“Sumakto pa na right after niya ipanganak du'n nagkaroon ng ganito. So malungkot, kasi sila lahat magkakasama do'n.

“They got to see Dahlia growing up. Ako dito through virtual ko lang siya mapapansin. Siguro at least for the next few months pero okay lang kasi at least safe,” sabi ni Jasmine.

Para naman maibsan ang lungkot, ang pinagkakaabalahan ngayon ng aktres ay ang paggawa ng mga gawaing bahay at pagwo-workout kasama ang DOTS cast.

Kuwento pa niya, 'tila nagpapagalingan daw ang boys cast ng serye sa pagwo-workout.

“Nagpapabilisan sila kung sino'ng makakaunang maka-10 reps nito,” aniya.

Samantala, isa umano si DOTS actor Jon Lucas sa mga masisigasig na mag-ehersisyo.

“Mayroon kaming meeting lagi before naming gawin 'yung mga bagay na pino-post namin. Isa po siyang content.

“'Yung team namin pinapangunahan lagi ni Big Boss, ni Dingdong Dantes, so bago kami mag-live alam na namin 'yung gagawin ng bawat isa,” sabi ni Jon.

Panoorin ang buong 24 Oras report:

UPDATED: 'Descendants of the Sun Ph' now has official social media accounts

Dingdong Dantes nais magbigay inspirasyon sa gitna ng COVID-19 pandemic

Related Videos
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.