Chito Miranda, nangakong hindi pababayaan si Gab Chee Kee
Isang magandang balita at pangako ang ibinahagi ni Chito Miranda tungkol sa kanyang kaibigan at kabanda na si Gab Chee Kee.
Ngayong taon ay napabalitang nagka-pneumonia si Gab. Isa itong komplikasyon na sanhi ng lymphoma. Dahil sa pagpapagamot ni Gab, nagtulong-tulong ang kanyang mga kabanda at mga kaibigan para matugunan ang kanyang bills sa pagpapagamot.
PHOTO SOURCE: @chitomirandajr
Sa latest Instagram post ni Chito ay ibinalita niyang binisita nila si Gab sa ospital.
Ani Chito, "Binisita namin si Gab kanina bago kami tumuloy sa gig namin sa Qc.Sobrang aliwalas nya tingnan!!!"
Dugtong pa ni Chito ang magandang balita tungkol sa pagpapagaling ni Gab.
"Nagpapalakas lang sya para maipag-patuloy nya yung chemotherapy nya, and tuluyan na syang gumaling."
Nagpasalamat naman ang frontman ng Parokya ni Edgar sa lahat ng naghatid ng tulong para sa kanilang kabanda at kaibigan.
"Maraming maraming maraaaming salamat sa lahat ng mga tumulong at patuloy na tumutulong kay Gab!!!Mahaba-haba pa 'tong laban na 'to, pero pramis, kahit gaano pa kahaba yung laban ni Gab, di talaga namin sya papabayaan."
SAMANTALA, BALIKAN ANG INSPIRING CANCER SURVIVORS SA GALLERY NA ITO: