What's Hot

Iwa Moto, ibinahagi ang kanyang mental health struggles

By Dianara Alegre
Published April 14, 2021 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Sandiganbayan orders 2 Revilla co-accused sent to QC women’s jail
Iloilo City LGU to sue man for chopping down trees in Jaro
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Iwa Moto


Nalaman ni Iwa Moto na mayroon siyang bipolar disorder with severe panic attacks at post-traumatic stress disorder noong 2017.

Masaya na ngayon si Iwa Moto sa estado ng kanyang buhay. Mayroong siyang dalawang anak at kapiling niya ang partner niyang si Pampi Lacson.

Pero lingid sa kaalaman ng lahat ay dumanas ng maraming pagsubok sa buhay ang StarStruck alum tulad ng pagpanaw ng kanyang ama noong 2009 at pinagdaanang annulment sa dati niyang asawa.

Iwa Moto

Source: iam_iwa (Instagram)

Ang stress na dulot ng mga dinanas niyang ito ay nagresulta sa pagkakaroon niya ng mental health disorder.

“Dati kasi, rather than harapin ko 'yung problema ko, I ran away kasi nakakapagod, nakaka-stress, nakakaubos ng pagkatao,” aniya nang makapanyam ni Kapuso reporter Nelson Canlas para sa 24 Oras.

Hindi pinansin ni Iwa ang mga sintomas at tumagal ito hanggang ipanganak ang panganay niyang si Mimi noong 2013.

“Nagba-blackout ako na hindi ko alam kung ano 'yung ginagawa ko. Bago nila ako nabigyan ng findings it took me three psychiatrists and two psychologists para lang ma-confirm ko what's my problem,” aniya.

Ibinahagi ni Iwa na nalaman niyang mayroon siyang bipolar disorder with severe panic attacks at post-traumatic stress disorder noong 2017.

Ngayon ay mabuti na ang kalagayan ng aktres at kasama sa healing process niya ang kapatawaran at kapayapaan sa sarili at sa mga taong naging sanhi ng kalungkutan niya.

Buong tapang umanong hinarap ito ni Iwa katuwang ang kanyang mga mahal sa buhay at ibang-iba na raw ang mundo niya ngayon.

Iwa Moto at Pampi Lacson

Source: iam_iwa (Instagram)

“Naalala mo ba 'yung nag-wild ako tapos nambasag ako ng wind shield?” natatawa niyang sabi kay Nelson. “Those are the things na I wish my daughter would never see.”

Dagdag pa ng celebrity mom, “As early as now ine-explain ko na sa anak ko na 'sometimes mommy is really emotional and sometimes I get really mad' mga gano'n. Inuumpisahan ko nang i-segue kasi ang hirap baka ma-Google ng anak ko.”

Dahil sa pagsubok na pinagdaanan, pinayuhan ni Iwa ang publiko na alisin ang stigma sa mental health issues. Para naman sa mga dumaranas ng mental health illness, huwag umano silang mahiya na humingi ng tulong sa mga doktor, mahal sa buhay, at totoong kaibigan.

“Nakakatuwa kasi si Pam he really helped me a lot to become who I am right now. I am not saying I am perfect, I am far from perfect pero I am better right now,” sabi pa niya.

A post shared by Aileen Iwamoto (@iam_iwa)

Samantala, isinilang ni Iwa ang bunso niyang anak na si Caleb Jiro noong March 21.

Silipin ang mga larawan ng adorable baby niya sa gallery na ito:

How to navigate under the "new normal" when you have anxiety disorder