Filtered By: Showbiz News | Health and Wellness
Showbiz News

Michael V., positibo sa COVID-19

By Aedrianne Acar
Updated On: August 11, 2020, 02:37 PM
Michael V. on testing positive for COVID-19: “We've been through worse.”

Kinumpirma ng multi-awarded comedian at creative director na si Michael V. o Beethoven del Valle Bunagan na nagpositibo siya sa COVID-19.

Sa pamamagitan ng kanyang latest vlog na 'Bitoy Story 29 ' inanunsyo ng Kapuso comedian na tinamaan siya ng coronavirus disease.

Ikinuwento rin ni Bitoy na nakararamdam siya ng ilang sintomas ng COVID-19 tulad ng pagkawala ng pang-amoy.

Nagpa-test ang magaling na komedyante noong July 15.

“Ma'am I had a test recently, a swab test noong July 15 and I got the result.

“I just need clarification doon sa result niya, nakalagay sa test result is SARS-CoV-2 (causative agent of COVID-19) viral RNA Detected?

“So it's positive.”

Kahit nag-positibo si Michael V. sa virus, nananatili ang pagiging matatag nito na malalampasan niya at ng kanyang pamilya ang pagsubok na ito.

Wika niya, “So BSS that's it. Positive, just as what we suspected early on. Alam kong hindi normal 'yung nawala 'yung pang-amoy ko and I was counting may kinalaman 'yun sa COVID.

“Pero I was also praying na sana wala, sana allergy lang or something. But it turns out yeah

“Itutuloy lang natin 'yung mga sinabi sa atin na mga kailangan gawin and we'll get through this.

“I mean we've been through worse.”

Ilang araw bago siya nagpa-test, hindi naiwasan ng Bubble Gang star na maging emosyonal na naka-isolate siya mula sa kanyang mga anak.

“So my wife is coming with me and have herself tested na rin. Most of the time naka-isolate din siya from my kids.

“Nakakainis lang isipin na parang ang lapit-lapit nila nasa kabilang kuwarto lang and yet hindi mo sila mayakap, hindi mo sila mahalikan.

“I feel bad. But hopefully we get through this, hopefully everything it's okay.”

“I'd appreciate your prayers, BSS.”

Panoorin ang buong blog ni Michael V. sa video below.

Bumuhos naman ang simpatiya ng mga tao nang malaman nila na nag-positibo sa COVID-19 ang Kapuso comedian.

Agad na nag-trend sa Twitter ang Bitoy at Michael V, at lahat ay ipinagdarasal ang paggaling niya.

Nagpaabot din ng suporta ang ilang celebrities sa pagsubok na hinaharap niya na ito.

Trending sa Twitter si Michael V

Samantala sa loob lamang ng tatlong oras matapos ma-upload ang vlog ni Bitoy sa YouTube kung saan umamin siya sa kanyang kondisyon, umani na ito nang mahigit 348,000 views.

At matapos naman ang isang araw ay may mahigit sa 2.4 million views na ang viral vlog na ito ng comedian sa YouTube.

Victim of death hoax

Nabahala rin si Michael V. sa kumakalat na social media post na nagsasabing pumanaw na siya dahil sa COVID-19.

Agad na naglabas ng pahayag si Bitoy sa kanyang mga official social media accounts para pabulaan ang “fake news” na ito.

Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras sa kanya na lumabas nitong Miyerkules ng gabi, July 22, muling hiningan ng reaksyon ang komedyante tungkol sa kumalat na death hoax.

Kahit nakakadismaya ang fake news na ito, lumabas pa rin ang pagiging komedyante niya nang makapanayam ng 24 Oras.

Sambit ni Bitoy, “Maraming salamat dito sa interview na 'to, at least, makukumpirma na nila.

"Actually, ang nakakainis pa nu'n, mine-message ako directly, tinatanong ako. Hindi ko malaman kung sasagutin ko ng ghost emoji o ano, e.”

Samantala, noong July 24, apat na araw matapos niyang aminin sa publiko na may sakit siyang COVID-19, nagbigay ng update ang seasoned comedian sa Instagram na nagpa-check up siya sa opsital para malaman ang dahilan sa mabilis niyang pagkapagod.

Ayon kay Bitoy, may nakita sa resulta ng kanyang X-ray, na puwedeng pagmulan ng pneumonia kaya niresetahan siya ng gamot. Pinayuhan din siyang manatiling naka-isolate sa kanyang bahay.

Sa ngayon, patuloy na nagpapagaling si Michael V.

Base sa kanyang latest vlog, na inupload ngayong Lunes, August 3, masayang ibinalita ni Bitoy na nine days na wala na siyang sintomas ng COVID-19.

Muli rin siyang nagbigay paalala sa mga netizen kung paano mapoprotektahan ang kanilang sarili mula sa nakahahawang sakit, na suspetya niya ay nakuha niya ito sa deliveries.

Masidhi rin ang pakiusap ng komedyante sa mga tao na itigil ang diskriminasyon at harassment sa mga tao na tinamaan ng COVID-19 tulad niya.

UPDATE Sa mga concerned, nagpa-X-ray ako kahapon para masiguro kung meron akong pneumonia. Medyo mabilis kasi akong mapagod. May nakita silang pwedeng “pagmulan” ng pneumonia pero hindi naman daw kailangang magpa-ospital. Niresetahan nila ako ng antibiotics at sinabihang sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling. Naka-self quarantine pa rin po ako para sa safety ng lahat ng nasa paligid ko. Gusto kong magpasalamat sa lahat ng patuloy na nagdarasal para sa kaligtasan namin ng pamilya ko. At gusto ko ring paalalahanan ang lahat na mag-ingat para wala kayong pagsisihan sa huli. Maging responsable at gawin ang lahat ng makakaya para hindi kayo mahawa o makahawa. Laging maging malinis sa paligid at pangangatawan. At lagi ring magsuot ng mask at PPE. Stay home everyone and stay safe. 🙏🏼

Isang post na ibinahagi ni Michael V. 🇵🇭 (@michaelbitoy) noong

Fully recovered

Matapos ang tatlong linggo nang aminin ni Bitoy na tinamaan siya ng COVID-19, masayang ibinalita ng komedyante sa kanyang vlog na in-upload nitong August 10 na recovered na siya sa naturang sakit.

“Sa ngayon tapos na 'yung quarantine ko and masasabi ko okay na, naka-recover na.”

Kaugnay nito, nagkaroon din sila ng COVID-scare muli sa pamilya nang isa sa mga anak niya ang nagpakita ng sintomas ng novel coronavirus, pero sa kabutihang palad ay nag-negative ang kanyang anak sa test.

Bago matapos ang kanyang Bitoy Story vlog, binigyan-diin din niya sa mga tao na 'di dapat sila matakot magpakonsulta sa mga doktor sa panahon ngayon.

“At ang pinaka-importante, kumonsulta sa doctor! 'Yung sitwasyon ko puwede kapareho ng sitwasyon niyo, pero hindi ibig sabihin magkapareho tayo ng paraan ng paggaling.

“Kaya huwag kayo manghula at huwag mag-self medicate at higit sa lahat huwag kayo matakot magpa-doktor.”

Mahigit tatlong dekada na tayo pinapatawa at ine-entertain ni Michael V. Kasalukuyan siyang napapanood sa mga comedy shows na Bubble Gang at Pepito Manaloto, kung saan hindi lang siya part ng cast dahil tumatayo rin siyang creative director.

Ilang beses na ring pinarangalan si Bitoy, hindi lamang dito sa bansa pati na rin sa abroad. Sa katunayan, tatlong beses na siyang nanalo sa kategoryang Best Comedy Performance by an Actor sa Asian TV Awards taong 2004, 2005 at 2006.

Michael V. admits he wasn't an Iron Man fan before in latest vlog

WATCH: Michael V., pinag-usapan ang isyu ng racism sa kanyang latest vlog

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.