Filtered By: Showbiz News | Health and Wellness
Showbiz News

LJ Reyes nakararanas ng anxiety at insomnia sa gitna ng coronavirus pandemic

By Cara Emmeline Garcia
Ikinuwento ni LJ Reyes na nakararanas siya ng anxiety at insomnia sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa pagpasok ng ika-22 araw ng enhanced community quarantine, aminado si Kapuso actress LJ Reyes na nakakaramdam siya ng anxiety at insomnia na dala ng coronavirus pandemic.

Ikinuwento niya ang lahat ng ito sa kanyang Instagram post kahapon, April 6.

Aniya, “It's been hard. Ako lang ba? Or kayo rin?

“I want to share that I haven't been sleeping well at night. Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga. Pero, napansin ko since 3 weeks ago, mas 'di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am.”

Kahit alam niyang normal ang makaramdam ng stress ngayong panahon ng krisis, 'di raw niya mapigilan isipin ang tungkol dito gabi-gabi.

“And it feels like an everyday battle --- every day trying different ways to put myself to sleep. Sabi sa akin baka stress.

“At this difficult time, sabi nila normal. Akala ko 'di ako nase-stress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it.”

Dagdag ni LJ, kahit na mahirap ay nagagawa naman niyang solusyonan ito sa pamamaraan ng pagdasal.

“Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly, it calms me down,” sambit ni LJ.

Maliban diyan, epektibo rin daw na naging partner niya si Kapuso comedian Paolo Contis na nagbibigay saya sa kanya para limutin ang mga problema kahit sandali.

“Kaya rin siguro itong baliw na to 'yung binigay ni Lord sa akin para no dull moments!

“Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes nya! Gusto n'yo ba kayo naman makarinig ng jokes nya? Kahit na 'pag ganitong nagta-try ako mag-selfie tapos bigla syang magpapa-KSP!

“Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, narerealize ko bakit sya ang nasa tabi ko! #gratefulmondays”

It's been hard. Ako lang ba? Or kayo din? I want to share that I haven't been sleeping well at night. Honestly, since Summer was born, puyatan naman talaga. Pero napansin ko since 3 weeks ago, mas di ako makatulog talaga no matter how sleepy I am. And it feels like an everyday battle. Everyday trying different ways to put myself to sleep. Sabi sakin baka stress. At this difficult time, sabi nila normal. Akala ko di ako nastrestress sa mga nangyayari. But maybe subconsciously, I am feeling it. Pero I have been praying every single day! Every second! And honestly it calms me down.🙏🏻 kaya rin siguro itong baliw na to yung binigay ni Lord sakin para no dull moments! Kahit pa minsan pagod na ako sa mga jokes nya! Gusto nyo ba kayo naman makarinig ng jokes nya?!😅 kahit na pag ganitong nagtratry ako magselfie tapos bigla syang magpapa-KSP! Sa mga ganitong panahon, kasi worrier ako, narerealize ko bakit sya ang nasa tabi ko! #gratefulmondays

A post shared by LJ Reyes (@lj_reyes) on

Kung sa totoong buhay kinukulit siya ni Paolo ay 'di rin siya tinantanan sa comments section ng nasabing post.

Sagot ni Paolo kay LJ, “Excuse me, mahal, nakita mo ba pantalon ko? Hanggang ngayon kasi 'di ko pa siya makita!”

Ayon sa World Health Organization (WHO), malaki ang epekto ng coronavirus pandemic sa mental at psychosocial well-being ng general public.

Kaya naman noong March 18, 2020, naglabas ng ilang guidelines ang WHO para masuportahan ang mga taong nakakaramdam ng anxiety at fear ngayong panahon ng krisis. Kabilang diyan ang: (1) Pagiging empathetic sa mga na-apektuhan ng disease, (2) 'Wag tawagin ang mga ito as “cases” o “victims,” (3) Bawasan ang panoonood at pagbasa ng mga news ukol sa coronavirus disease na makaka-trigger ng anxiety o stress, at (4) Magbigay suporta sa mga frontliners sa iyong komunidad.

5 ways to deal with anxiety amid COVID-19 crisis

Kylie Padilla shares ways to prevent Coronavirus panic

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.