What's Hot

Rochelle Pangilinan shares safe workout routine during quarantine

By Dianara Alegre
Published March 25, 2020 1:23 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Over 2k Filipino children adopted by parents in PH, abroad – NACC
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers
GMA Caps 2025 with Ratings Leadership, Digital Dominance

Article Inside Page


Showbiz News



Rochelle Pangilinan shares safe quarantine workout routine.

Dahil karamihan sa publiko ay nakakulong sa kani-kanilang bahay upang makatulong sa pagsugpo at pagkalat ng 2019 coronavirus disease (COVID-19). marami tuloy ang naghahanap ng mga bagay na maari nilang magawa indoors.

At ang pinaka-produktibo na puwedeng pampalipas oras ay ang pag-eehersisyo. Ngunit hindi dapat basta-basta na lang mag-workout dahil may wastong proseso ang paggawa ng iba't ibang klase ng exercise.

Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) noong

Ayon kay Kapuso actress Rochelle Pangilinan, kung magwo-workout, hindi dapat binibigla ang katawan.

“Isa pa 'yung technique, dapat gradual. Hindi mo puwedeng biglaan kasi mahirap nang maaksidente,” aniya.

“Dati nu'ng nagsisimula ako, unti-unti. Ang ginawa ko, three times a week, every other day or kaya ngayon nagfa-five times a week na ako. Tapos 'yung sets niya, ginagawa kong two sets, 10 to 12 repititions, okay siya,” dagdag pa niya.

Narito ang quarantine workout routine ni Rochelle:

· Brisk Walking

· Squats

· Jumping Jacks

· Use of water bottles as dumbbell replacement

· Stretching

Workout 🏋️‍♀️

Isang post na ibinahagi ni Rochelle Pangilinan (@rochellepangilinan) noong

Samantala, kasalukuyang sumasailalim ang buong Luzon sa enhanced community quarantine kung saan ipinagbabawal ang paglabas ng bahay, suspensiyon ng lahat ng mass transportation, pagsasara ng mga establisyimento at 8:00 pm hanggang 5:00 am curfew na tatagal hanggang April 12.

Panoorin ang buong 24 Oras report;

Kung nais mong makibahagi sa mga ginagawang hakbang ng GMA Network para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, bisitahin lamang ang https://www.gmanetwork.com/kapusofoundation/donate.

Related:

Rochelle Pangilinan's daughter Shiloh channels her inner Agane of Encantadia

IN PHOTOS: Shiloh Jayne's first birthday party