IN PHOTOS: Versatile actress Divine Aucina's impressive photos
Isa si Divine Aucina sa mga komedyanteng patuloy na sinusubaybayan ng publiko hindi lamang dahil sa kanyang angking galing sa pagpapatawa kundi pati na rin sa husay niya sa pag-arte.
Bago pa man pumasok sa showbiz ay aktibo na sa teatro si Divine kung saan nahasa ang kanyang talento sa pag-arte.
Bagamat gaya ng ilang celebrities, hindi nakaligtas ang komedyante sa mga isyung kaakibat ng pagpasok sa entertainment industry. Gayunman, nananatili siyang matatag, dahilan para patuloy siyang kilalanin at hangaan ng publiko.
Dati na ring nabanggit ni Divine na inspirasyon niya sa kanyang showbiz career sina Eugene Domingo, Cherie Gil, at Nova Villa na pare-parehas nang nakapag-iwan ng legacy sa mundo ng showbiz.
Samantala, naging mahirap para sa kanya ang ipagpatuloy ang career dahil sa pandemya. Pag-amin niya, naisipan na niya umanong mag-quit sa showbiz dahil halos isang taon siyang nawalan ng trabaho.
Pero dahil likas na palaban si Divine, mas nagpakatapang pa siya at patuloy na naging positibong isang araw ay magkakaroon ulit siya ng proyekto.
Hindi nagtagal ay nagkaroon ng ilang projects si Divine. Nag-guest siya sa romance-fantasy anthology na 'My Fantastic Pag-ibig,' napanood sa 'Dear Uge,' at naging bahagi ng Kapuso drama series na 'Legal Wives' at 'First Lady.'
Ngayong, buhay na buhay na ulit ang showbiz career niya, naging aktibo rin sa kanyang social media si Divine, at marami ang kanyang pinahanga kanyang photos na talaga namang jaw-dropping.
Silipin ang ilan sa mga impressive photos ni Divine sa gallery na ito:
Divine
Nagsimulang makilala si Divine nang maging bahagi siya ng comedy anthology na 'Dear Uge' na nag-premiere noong 2016.
Comedienne
Isa na ngayon si Divine sa mga hinahangaan at effective comediennes sa local entertainment industry.
Versatile actress
Mula nang pumasok sa mundo ng showbiz ay marami nang proyektong ginampanan si Divine, patunay lamang na isa siyang versatile actress.
Empowered
Bolder and fiercer Divine ang ipinakilala ng komedyante sa publiko nang i-unveil niya ang kanyang new look noong November.
Fun
Dahil natural ang pagiging komedyante, kinagigiliwan ng mga katrabaho at kaibigan niya si Divine.
Summer getaway
Noong April 2021, nagtungo si Divine, kasama ang mga kaibigan niyang sina Jelai Andres at Mary Letim Ponce, sa Subic para sa kanilang summer getaway.