LOOK: Sharon Cuneta gives a sneak peek of her expensive luxury bag collection
Tiyak mamamangha kayo mga Kapuso sa mamahaling luxury bag collection ng Megastar na si Sharon Cuneta. Kamakailan lang, nag-share sa kaniyang Instagram account ang veteran actress/singer ng ilan sa mga favorite pieces niya.
#YAYAMANIN: 18 mamahaling gamit ng celebrities
Makalaglag-panga ang purple alligator Louis Vuitton tote na nabili ng Megastar sa Milan, Italy.
Ayon sa isang showbiz website, nagkakahalaga ng $40,000 or PHP 2 million ang naturang bag.
Baka nasa Christmas list n’yo rin ang Yves Saint Laurent pink crocodile tote na pagmamay-ari ni Mega.
Ayon sa aktres, tatlong beses pa lamang niya nagagamit ang naturang bag.
“I think it is a Cabas. I didn't care about the style or model name - I just saw pink, crocodile skin, and a Y - and I was in love… I have used this bag so very many times! Around two or three, I think. Hahaha. I'll use it next, after my LV purple gator (or croc or whatever -- damn your teeth! Hah!”