Filtered By: Showbiz News | Family
Mike Tan
Photo: imiketan (Instagram)
Showbiz News

Mike Tan, ayaw maging publiko ang buhay ng anak na sina Tori at Priscilla

By Aaron Brennt Eusebio
"Ayoko lang din ma-expose kasi 'pag lumaki sila, hindi ko rin naman alam kung gusto nila 'yung pictures nila na lumabas," paliwanag ni Mike Tan.

Kahit usong-uso na ang mundo ng social media ngayon, pinili pa rin ng aktor na si Mike Tan na gawing pribado ang buhay ng kanyang asawa at kanilang dalawang anak.

Paminsan-minsan ay nagbabahagi si Mike ng larawan nilang pamilya ngunit limitado lamang ito dahil gusto niyang protektahan ang kanyang mga anak sa publiko.

"Personal and mutual decision naming mag-asawa. Ang sinasabi ko naman lagi, tama na na ako lang 'yung nasa limelight. Hindi na kasama 'yung pamilya ko," tapat na sagot ni Mike nang tanungin ng GMANetwork.com sa pictorial ng The Seed of Love.

"Hindi rin naman natin sigurado kung ayan 'yung gusto ng magiging anak namin, no judgment sa mga ginagawa 'yun, I don't meant any harm. But then again, 'yun 'yung choice naming mag-asawa.

"Ako, ayoko lang din ma-expose kasi 'pag lumaki sila, hindi ko rin naman alam kung gusto nila 'yung pictures nila na lumabas, gusto nila 'yung videos, gusto nila 'yung reaction nila doon sa videos.

"I think mas lumalabas lang din 'yung nirerespeto lang din namin 'yung mga bata na paglaki nila, ayaw naman namin 'yung kilala na sila ng tao. Kumbaga may private life pa rin sila."

Pinili man nila na maging pribado ang buhay nilang mag-asawa, nagkuwento pa rin si Mike kung kumusta na ang dalawa niyang anak na parehong babae.

"'Yung panganay ko kasi, marunong na siya magbasa at the age of 3, 3 and a half, nakakabasa na siya. Nagulat na lang din kami kasi mas books 'yung binibigay namin, binabasahan namin," kuwento ni Mike.

"Hindi namin tinitipid sa education at hindi rin namin sila pinipilit. Ine-expose lang namin sila."

Dagdag pa ni Mike, may paborito silang libro na laging binabasa kaya isang araw ay nagulat siya nang binasa ito ng bunso niyang anak.

"May binabasa kami laging book, 'yung 'Elephant and Piggie,' nabasa namin ng panganay ko kasama 'yung bunso. E, 'yung next book ng 'Elephant and Piggie,' tatlo na 'yung characters.

"So 'yung elephant, 'yung piggie, tapos may snake na. 'Yung snake, maliliit lang 'yung lines so binabasa namin. Mamaya, nung snake na, nagsalita na 'yung isa, 'yung bunso namin, tama 'yung sinabi niya."


Malapit nang panaood ang The Seed of Love, kung saan makakasama ni Mike sina Glaiza De Castro at Valerie Concepcion, sa GMA Afternoon Prime.

SAMANTALA, TINGNAN DITO ANG ILANG BONDING MOMENTS NI MIKE KASAMA ANG KANYANG DALAWANG ANAK:

Related Videos
Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.