GMA Logo Angelika Dela Cruz
What's Hot

WATCH: Angelika Dela Cruz, ipinasilip ang Casa Dela Cruz

By Maine Aquino
Published June 14, 2020 2:47 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Angelika Dela Cruz


Panoorin ang ginawang tour ni Angelika Dela Cruz sa bahay ng kanilang pamilya.

"Ipapakita ko sa inyo 'yung bahay kung saan kami lumaking magkakapatid."

Ito ang bungad ni Angelika Dela Cruz sa kanyang ginawang house tour sa kanyang YouTube channel.

Saad ni Angelika ito ay kanyang most requested video.

Sa tour na ito, ipinakita niya ang awards na nakuha nilang magkakapatid.

Ibinahagi rin ni Angelika ang lugar kung saan ang bonding area. Pati na rin ang kanyang kuwarto na ipinasadya pa umano para sa kanya.

Kuwento ni Angelika, "Noon kasi, noong nag-18 ako, sabi ko sa daddy ko gusto ko bumukod. Gusto ko mag-try na mag-condo kasi 'yun 'yung uso dati eh. Kapag ano ka, bubukod ka na, siyempre may work naman ako."

Pagpapatuloy niya, "Ang ginawa ng daddy ko, pinagawa niya 'yung kuwarto ko na parang condo para 'di na daw ako umalis. Siyempre hindi ko na 'to kuwarto. Kuwarto na ito ni madame Mika.

Kuwento pa ni Angelika ay hindi niya ito ipapasilip dahil si Mika ang magbabahagi nito sa kanyang YouTube channel.

Panoorin ang kabuuang house tour ng Casa Dela Cruz: