
Para na ring teacher si former actress Krista Ranillo habang naka "distance learning" ang kanyang mga anak dahil sa banta ng COVID-19.
Sa "distance learning," tuloy ang pag-aaral kahit hindi pumapasok sa school. Gumagamit dito ng modules, worksheets, internet, at iba pang learning tools na maaaring sagutan at pag-aralan ng mga bata kahit nasa bahay lang sila.
Si Krista ngayon ang nakatutok sa pag-aaral ng kanyang mga anak.
Natuwa naman siya sa panganay na si Nate na tila may obserbasyon tungkol sa kanyang ama at asawa ni Krista na si Nino Lim.
"My dad is busy and he love to be happy when he's busy and he laughs when he's busy," sulat nito sa isang exercise kung saan kailangan gumamit ng ilang vocabulary words.
Matatandaang si Nino ang CEO ng Filipino supermarket chain na Island Pacific sa Amerika.
"My eldest son's homework today. See #3 #thingskidssay #nicewaytosayworkaholic #quarantine2020," sulat ni Krista sa kanyang Instagram.
Lalo namang naaliw si Krista sa homework ng kanyang unica hija na si Natalie.
"My mom is 38. Her name is Krista. She has milk in her dede," sulat nito sa kanyang Kinder Autobiography book.
Ibinahagi din ni Krista ito sa kanyang Instagram account kasama ang caption na, "I kennat with my daughter today. #homework, #distancelearning, #kindergarten."
Nagbahagi din si Krista ng maikling video kung saan tinuturuan niyang magbilang ang anak na si Nash.
"Quaran-teacher day 3̶1̶ ̶4̶4̶ ̶5̶0̶ ̶6̶3̶ who knows? #preschool #quarantined," aniya.
Bukod kina Nate, Natalie, at Nash may dalawa pang anak sina Krista at Nino. Ito ay sina Nolan at bunsong si Nyles na nag-celebrate ng kanyang first birthday ngayong May.