Celebrity modern families
Sa mundo ng showbiz hindi mapipigilang pag-usapan ang ilang celebrity families na mayroong di pangkaraniwang set-up sa kanilang pamilya.
May ilan na may maraming anak, ilang may anak sa ibang pamilya, habang mayroon din namang gumawa ng isang blended family sa pamamagitan ng adoption o kaya in vitro fertilization.
Mula kina Andi Eigenmann at Jake Ejercito hanggang kina Joey Mead at Angelina King, kilalanin ang mga personalidad at celebrities na may modern family set-up.
Andi Eigenmann and Jake Ejercito
Naging usap-usapan sina Adie Eigenmann at Jake Ejercito nang naisapubliko ang malaking rebelasyon tungkol kay Ellie Eigenmann.
Co-parenting
Sa ngayon ay maayos ang pakikisama nina Andi at Jake sa isa't isa para sa kapakanan ng kanilang anak kahit pa may sarili nang pamilya ang una.
Philmar Alipayo
Sa katunayan, tanggap din ng partner ni Andi na si Philmar Alipayo ang unang anak ng aktres na si Ellie at ganito rin naman si Andi sa mga anak ng Siargao-based surfer mula sa dati nitong nakarelasyon.
Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Michelle van Eimeren
Iba-iba ang reaksyon ng mga tao sa hindi pangkaraniwang relasyon sa pagitan nina Regine Velasquez, Ogie Alcasid, at dati nitong may bahay na si Michelle van Eimeren.
Regine
Kahit may hindi naniniwala sa kanilang pagkakaibigan, nananatili ring malapit sa isa't isa ang dalawang “Mrs. Alcasid” na sina Regine at Michelle. Sa kasalukuyan, ang anak ni Michelle kay Ogie na si Leila ay nasa pangangalaga rin ni Regine dito sa Pilipinas.
Joel Cruz
Kahit masasabing mag-isa sa buhay, nakapagsimula ng pamilya si Joel Cruz. Ngayon ay may walo na siyang anak. Ang anim dito ay magkaka-kambal.
Prince Sean and Princess Synne
Si Joel ang biological father ng kambal na sina Prince Sean at Princess Synne through in vitro fertilization (IVF).
Harry and Harvey
Lalong lumaki ang pamilya ni Joel sa pagdating ng kanyang pangalawang kambal na sina Harry at Harvey.
Prince Charles and Princess Charlotte
Nitong June 2017, ipinakilala na rin ni Joel ang third set of twins niya na sina Prince Charles at Princess Charlotte. At noong sumunod na taon, isinilang naman ang kanyang ika-pito at ika-walong anak na sina Zeid at Ziv. Lahat ng kanyang anak ay isinilang ng isang surrogate mother.
Joey Mead and Ian Angelo King
Naging maugong din ang pangalan nina Joey Mead King at kanyang asawa na kilala bilang si Ian Angelo.
Angelina Mead King
Five years into their marriage, Ian Angelo came out as a transwoman. He changed his name to Angelina Mead King.
Joey
Hindi naman natinag ang pagmamahal ni Joey para kay Angelina, at masaya pa rin silang nagsasama.
Scarlet Snow Belo
Nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng isang baby girl, si Scarlet Snow. Hindi man itinanggi o kinumpirma, ayon sa ibang ulat ay mayroon daw surrogate mother ang bata na nagdala sa kanya sa tulong ng artificial insemination.
Atom Henares
Kahit may sarili nang pamilya sina Hayden at Vicki, nananatili sa kanilang buhay ang ex-husband ng doktora na si Atom Henares.
Atom Henares remarries
Noong February 3, 2018, ikinasal si Atom Henares kay Nathalie sa Tagaytay.
Modern family
Um-attend ang pamilya nina Vicki Belo at Hayden Kho sa naturang kasal kasama ang kanilang unica hija na si Scarlet Snow.
Scarlet's sweet message
Sa katunayan, may mensahe si Scarlet sa kanyang Papa Atom
Paolo Ballesteros and Katrina Nevada
Si Keira ang bunga ng magandang pagtitinginan ng college best friends noon na sina Paolo Ballesteros at Katrina Nevada.
Paolo and Katrina
Hindi man sila nagkatuluyan, nanatiling malapit sa isa't isa sina Paolo at Katrina.
Keira
Matapos ang ilang taong pangangalaga ni Paolo sa kanilang anak, nasa US naman ngayon si Keira para makapiling ang kanyang ina.
Iwa Moto, Pampi Lacson, and Jodi Sta. Maria
Parehong nagkaanak kay Pampi Lacson sina Iwa Moto at Jodi Sta. Maria.
Iwa and Jodi
Naging magkaribal man noon, magkasundo sina Iwa at Jodi ngayon, at suportado ang isa't isa sa pagpapalaki ng kanilang mga anak kay Pampi.
Camille Prats and VJ Yambao
Si Camille ay unang ikinasal kay Anthony Linsangan noong 2008 at sa kasamaang palad ay pumanaw ang huli noong 2011 dahil sa sakit na kanser. Muling humarap sa dambana si Camille kasama ang childhood sweetheart na si VJ Yambao noong January 2017
Nathan, Nala and Nolan
Anak ni Camille si Nathan kay Anthony samantalang si Nala at Nolan ay mga anak niya kay VJ.
Sunshine Dizon and Timothy Tan
Ikinasal sina Sunshine Dizon and Timothy noong 2010 at may dalawang anak, sina Doreen and Anton. Noong January 2016, nag-file ng kaso si Sunshine laban kay Timothy para sa Violence Against Women and Children (VAWC or R.A. 9262) at Concubinage against Timothy. Kasama sa kaso ay ang alleged third party sa kanilang kasal, isang babaeng nagngangalang Clarissa Sison. Matapos ang isang taon, binawi ni Sunshine ang kaso.
Doreen's 7th birthday
Naging civil ang isa't isa matapos ang pagbawi ni Sunshine sa kaso. Nitong nakaraang 7th birthday ng kanilang anak na si Doreen, nag-post si Sunshine sa kaniyang Instagram tungkol sa marital status nila ni Timothy, at ipinaliwanag na naging mabuting ama si Timothy at panahon na lang ang makapagsasabi kung magbabalikan pa sila, aniya: “Only time can tell and ultimately God if we are still meant to be together,”
Cherie Gil at Rony Rogoff
Malapit pa rin si Cherie sa kanyang ex-husband na si Rony Rogoff, isang Israeli violinist. Biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Bianca at Raphael.
Children
Itinuturing din ni Cherie na parte ng pamilya si Renee, anak ni Rony sa former model na si Ping Valencia, at ganito rin naman si Rony kay Jay, anak ni Cherie kay Leo Martinez.
Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo
Naging isang ganap na pamilya sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nang i-adopt nila ang kanilang panganay na anak na si Johanna Louise Agoncillo, o Yohan.
Yohan
In-adopt ni Judy Ann si Yohan noong siya'y 26 years old pa lamang pagkatapos siyang sabihan ng kanyang ina tungkol dito.
Agoncillo family
Ngayon, mayroon nang nakababatang kapatid si Yohan na sina Juan Luis at Juana Luisa. Maraming beses naikuwento ni Judy Ann sa press ang mga pagkakataong tinatanong siya ni Yohan tungkol sa kanyang biological parents. Sagot ni Juday, open siya sa mga tanong na ganun dahil ayaw niyang ipagkait sa kanyang anak ang mga ganoong bagay.
LJ Moreno and Jimmy Alapag
Apat na taon mula nang sila'y ikasal nang biyayaan sina LJ Moreno at Jimmy Alapag ng hindi isa kundi dalawang anak. Isa na dito si Ian Maximus na legal na in-adopt ng mag-asawa noong 2014.
Ian Maximus
Kuwento ni LJ sa programang ''Yan Ang Morning!' ni Marian Rivera noong 2016, hindi sila natigil sa pagdarasal hanggang mai-match sila kay Ian Maximus. Dalawang araw matapos nilang ampunin si Ian, nalaman ni LJ na ipinagbubuntis niya si Keona.
Alapag family fun
Ngayon, mayroong tatlong anak na sila na sina Ian, Keona, at Calen Asher. Nasa Estados Unidos na ang kanilang buong pamilya dahil sa pandemiyang dulot ng COVID-19.
Jennylyn Mercado and Dennis Trillo
May kanya-kanyang anak sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo bago pa sila naging magkasintahan. Si Alex Jazz ang anak ni Jennylyn sa ex-boyfriend niyang si Patrick Garcia, samantalang si Calix Andreas naman ang anak ni Dennis sa ex-girfriend niyang si Carlene Aguilar. Madali namang nagkamabutihan ng loob ng dalawang bata dahil magkalapit ang kanilang mga edad.
Kristine Hermosa and Oyo Sotto
Tulad ng ibang artista, naisipan ding mag-ampon nina Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa katauhan ni Kristian Daniel o Kiel. Si Kiel ay in-adopt nina Kristine at Oyo bago pa sila ikasal noong January 2011. Sa ngayon ay buntis ang dating aktres sa kanilang ika-limang anak ni Oyo.
Sharon Cuneta and Francis "Kiko" Pangilinan
Kakaiba rin ang setup ng pamilya nina Sharon Cuneta at Francis "Kiko" Pangilinan dahil maliban sa pagkakaroon ng sariling mga anak, ay pormal na in-adopt ni Kiko ang panganay na anak ni Sharon na si KC Concepcion matapos silang ikasal noong 1996.