Filtered By: Showbiz News | Family
Showbiz News

Dingdong Dantes, umaming alam na ang gender ng kaniyang second baby

By Maine Aquino
Updated On: November 14, 2018, 05:51 PM
Alam na ni Dingdong Dantes kung babae o lalaki ang pangalawa nilang anak ni Marian Rivera.

Sa media launch ng Cain at Abel ay inamin ni Dingdong Dantes na alam na nila ang gender ng kanilang second baby ni Marian Rivera.

Kitang-kita ang ngiti ng excited father habang ibinabahagi niya ang ilang detalye sa press nitong November 13 sa Prime Hotel. Ani Dingdong, nalaman nila recently lamang ang gender ng kanilang anak.

Hindi man inamin ng Kapuso Primetime King ang gender ng second baby, sinabi niyang excited siya sa blessing ng kanilang pamilya. Aniya, "Alam n'yo kahit ano pang dumating, blessing 'yun."

Dahil alam na nila ang detalyeng ito ay nilinaw niyang hindi na sila magkakaroon ng gender reveal party at ia-announce na lamang umano ito ng Dantes family soon.

Maaaring ito ay kanila umanong ilahad through social media bago ang third birthday ng kanilang panganay na si Zia.

"Kung meron man hindi na siya in a form of a party. Siguro ipo-post na lang namin."

Gaganapin ang third birthday ni Zia ngayong November 23.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.