Filtered By: Showbiz News | Family
Showbiz News

WATCH: Rayver Cruz at Rodjun Cruz, nagkasamang muli sa isang dance number

By Bianca Geli
Updated On: October 16, 2018, 04:50 PM
Rayver Cruz, masayang-masayang nakasama muli ang kapatid na si Rodjun sa isang dance performance, "Ang sarap ng feeling kasi ang tagal ko na siyang hindi nakakasama mag-perform."

Masayang-masaya ang nagbabalik-Kapuso na si Rayver Cruz dahil nakasama niyang muli sa isang dance number ang kaniyang kuyang si Rodjun Cruz sa Studio 7.

Kuwento ni Rayver sa GMANetwork.com, “Si Rodjun sobrang supportive na kuya. Siya yung pinaka-unang na-excite nung nalaman niyang magsa-sign na ako ng contract sa GMA.”

“Of course, isa siya sa mga kinonsulta ko kasi kuya ko siya.

“Excited na rin akong gumawa ng mga projects kasama siya kasi sobrang tagal na…'yung ginawa nga namin yung TWAC episode ng sumayaw kami, ang sarap ng feeling kasi ang tagal ko na siyang hindi nakakasama mag-perform tapos nagawa namin at napanood pa ng mga tao. Happy ako.”

Rayver Cruz, 'feel at home' na sa GMA Network

Masaya rin daw si Rayver na bukod sa lead role niya sa Asawa Ko, Karibal Ko ay may Studio 7 siya, kung saan nagpe-perform sila ng kaniyang kuya.

Aniya, “Mahal ko 'yung pag-aarte pero at the same time, I love performing and masaya ako na may Studio 7 kasi mashu-showcase ko pa rin 'yung pagsasayaw ko, pagkakanta ko, at pag-e-entertain ng mga tao.”

Napanood din sina Rayver at Rodjun sa isang recent episode ng Tonight with Arnold Clavio.

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.