Filtered By: Showbiz News | Family
Showbiz News

EXCLUSIVE: Gloria Diaz, mas mahal ang mga apo kaysa sa mga anak?

By Jansen Ramos
Updated On: October 2, 2018, 04:06 PM
Gloria Diaz, sobrang humahanga sa ka-cute-an ng kanyang apong si Baby Baltie, “I'm crazy about him.”

Very vocal si Miss Universe 1969 Gloria Diaz sa kanyang pagiging 'mamshie' sa kanyang apo na si Balthazar Gabriel o Baltie.

LOOK: Cutest photos of Isabelle Daza's Baby Balthieboo

Si Baltie ang kanyang apo sa anak na si Isabelle Daza. May tatlo pang apo ang beauty queen sa adopted son niyang si Raphael.

Gloria Diaz shares video of Isabelle Daza's son, Baltie

Doyou think we look a bit alike? Same double chin🙀👏❤️

A post shared by Gloria Diaz (@its.gloriadiaz) on


Kinagigiliwan ngayon sa social media si Baltie.

Ganito rin daw si Mamshie Gloria sa kanyang apo.

Sa katunayan, sa isang eksklusibong panayam ng GMAnetwork.com, sinabi niyang lubos siyang humahanga sa ka-cute-an nito, “I'm crazy about him.”

Kaugnay nito, nabanggit ni Gloria, “Alam mo lately, when you start a story talagang tinititigan ka. Nakikinig talaga s'ya. So cute, enjoy ako."

Proud lola si Gloria kapag nakikita niya ang developments ng kanyang 6-month-old grandchild.

“He is the most handsome [baby], I think,” sabi niya.

Ayon sa Pamilya Roces star, mas lamang raw sa puso niya ang kanyang mga apo kaysa sa kanyang mga anak.

"Sinabi ko nga sa mga anak ko, parang mas mahal ko yata sina Baltie, Paris, at si Alfonso.

“Ang relationship ko sa kanila pang good times, wala kang pakialam sa kanila kung kelan maligo, mag-toothbrush [pero] 'pag umikyak na, 'O eto na, Isabelle, sa'yo na ito,'” kwento niya.

#TigerMom: Isabelle Daza's biting reply to a netizen who doubts Baby Baltie's ability to recognize a ball

Trending Articles
NPC SEAL
We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.