EXCLUSIVE: Jaclyn Jose on daughter Andi Eigenmann: "Hinihintay ko na lang siyang magsawa"
Nag-react ang acclaimed actress na si Jaclyn Jose sa pagbabalik ng anak na si Andi Eigenmann sa Maynila matapos manirahan sa Baler, Aurora at Siargao sa loob ng ilang buwan.
Andi Eigenmann returns to Manila, hints at new project
Aniya, “Pabalik-balik naman 'yun. Hinihintay ko na lang siyang magsawa.”
Ayon kay Jaclyn, hindi niya raw pinagbabawalan ang anak sa mga desisyon nito. “No. Hindi namin pinag-uusapan 'yung bagay na alam kong hindi namin mapagkakasunduan.”
“Kasi sa ngayon alam ko ang hilig niya, hinahayaan ko lang siya sa desisyon niya. Hindi ako nangingialam sa desisyon niya.”
Dagdag niya, “Ang sa 'kin lang, hindi lang [ang] pagiging masaya ang kailangan sa buhay.”
Wala rin daw balita si Jaclyn sa love life ni Andi ngayon at sa rumored surfer boyfriend nito na si Philmar Alipayo. Tanong ni Jaclyn, “Na-in love ba siya [Andi]?”
Miss na rin daw ni Jaclyn ang kaniyang apo na si Ellie.
“Nakay Jake siya ngayon. Most of the time lately, she's with her dad. Malungkot din para sa akin.”
Matapos mapanood sa Kapuso thriller drama The Cure, abala ngayon si Jaclyn sa isang bagong Kapuso project. “Actually ang GMA naman, palagi naman akong binibigyan ng work kaya thankful naman ako.”