What's Hot

WATCH: Gloria Diaz, gusto nang masundan ang apo kay Isabelle Daza

By Jansen Ramos
Published July 14, 2018 8:09 PM PHT
Updated July 14, 2018 8:12 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Magnitude 5.3 earthquake hits offshore Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Proud stage grandma si Miss Universe 1969 Gloria Diaz. Kaya naman gusto na rin niyang masundan ang kanyang cute na apo kaagad-agad ng babaeng apo. 

Self-proclaimed stage lola ang aktres at Miss Universe 1969 na si Gloria Diaz sa kanyang apo sa anak na si Isabelle Daza.

Kwento niya sa 24 Oras, nabaling daw ang kanyang atensyon sa kanyang apo.

"Everyday binibisita ko ang anak ni Belle. In fact, parang hindi na si Belle ang aking priority. Ang priority ko 'yung baby. Ang cute cute ng baby niya!" saad niya.

Okey lang naman daw magpatawag ng lola o grandma pero mas gusto raw ni Goria na tawagin siyang "Mamshie."

Bahagi niya, "She smiles a lot. He's got the most expressive eyes. Sa tingin ko, siya na ang pinakamagandang apo sa balat ng lupa."

Three months old pa lang baby boy ni Isabelle, pero gusto na kaagad ni Gloria na masundan ito. "Pinaghahandaan ko ang next baby, kailangan kaagad, 'di ba, para at least dalawa na, babae naman."

Bukod sa pagiging hands-on lola, abala din siya ngayon sa upcoming Kapuso soap na Pamilya Roces.

Aniya, excited na siyang makapag-tape dahil first time niyang makakagawa ng ganitong klaseng proyekto at si Joel Lamangan pa ang direktor, "I've been doing different kinds all my life, and now iba naman."

Makakasama ni Gloria sa Pamilya Roces sina Carla Abellana, Wyn Marquez, Gabbi Garcia, Jasmine Curtis Smith, Elizabeth Oropesa, Snooky Serna, Christian Bautista, Rocco Nacino at Roi Vinzon.

Panoorin ang buong report ni Cata Tibayan sa 24 Oras: