Empoy Marquez, ikinuwento ang buhay na galing sa broken family
Masayang hapon ang pinagsaluhan ng komedyanteng si Empoy Marquez, Sparkle star Mikee Quintos, at Hazel Cheffy nang maki-join ito sa GTV cooking talk show na Lutong Bahay noong Huwebes, February 13.
Bukod sa mga nakakatawang istorya niya sa buhay ay naging bukas din ang komedyante sa kanyang mga karanasan noong kabataan na tumulong humubog sa personalidad nito ngayon.
Sinagot din ni Empoy ang ilan sa mga issue sa kaniya, kabilang ang tampuhan umano niya kina Herlene Budol at Salome Salvi.
Balikan ang masayang appearance ni Empoy rito:
My Ilonggo Girl
Masayang ibinahagi ni Empoy Marquez na magaan ang kanilang set sa My Ilonggo Girl at masaya raw itong makatrabaho si Jillian Ward.
Leading Ladies
Binalikan naman ni Empoy Marquez ang best memories nito kasama ang kanyang mga naging leading ladies na sina Cristine Reyes, Alessandra De Rossi, Susan Enriquez, Herlene Budol, at Kim Molina.
Tinolang tahong
Naging nostalgic naman ang pagbisita ni Empoy sa Lutong Bahay nang ipakita nito ang kanyang childhood favorite dish na tinolang tahong.
Broken Family
Nagkaroon ng pahapyaw si Empoy sa kanyang family life nang sabihin nito na galing daw siya sa isang broken family. Ayon sa komedyante ay naghiwalay ang mga magulang nito noong bata pa lamang siya.
Happy Family
Sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan ng kanilang pamilya ay okay na raw ngayon ang kanyang mga magulang. Bagamat hindi na nagsasama ay masaya raw si Empoy dahil nananatiling civil ang kanyang magulang sa isa't isa.
School
Ayon kay Empoy ay undergraduate daw siya ng kursong Mass Communication at Culinary ngunit hindi na niya nagawang ipagpatuloy ang mga ito dahil sa demands ng pagiging artista.
Mr. Suave
Binalikan ni Empoy ang pinagmulan ng kaniyang nickname na Mr. Suave at sinabing nakuha niya raw ito nang sumali sa Mr. Suave contest sa Bulacan.
Herlene Budol at Salome Salvi
Nilinaw ni Empoy na hindi raw totoong nagkaroon sila ng tampuhan nina Herlene Budol at Salome Salvi, ngunit pinili nitong hindi na ipaliwanag pa ang kuwento sa likod ng nasabing isyu.