GMA Logo Jeremiah Tiangco
PHOTO COURTESY: It’s Showtime
What's Hot

Jeremiah Tiangco reveals he will be a dad soon

By Dianne Mariano
Published March 20, 2025 3:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: January 21, 2026
Magnitude 5.1 quake rocks Sultan Kudarat
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras

Article Inside Page


Showbiz News

Jeremiah Tiangco


Masayang ibinalita ni Kapuso singer Jeremiah Tiangco na baby boy ang unang anak nila ng kanyang longtime partner.

Inilahad ng Kapuso singer at The Clash Season 2 grand winner na si Jeremiah Tiangco na magiging ama na siya soon.

Ito ay kanyang ibinahagi sa “Tawag ng Tanghalan: All-Star Grand Resbak” ng noontime variety show na It's Showtime, kung saan isa siya sa returning contestants.

Matapos ang kanyang pag-awit ng “Through The Fire,” tinanong ni Vice Ganda si Jeremiah kung bakit pinili niyang lumaban pa rin sa kabila ng kanyang pagkapanalo sa second season ng The Clash.

“Naniniwala po ako na hindi po natatapos sa The Clash 'yung laban ng buhay ko. This time, gusto ko po makita ng upcoming baby ko na, 'Ay, lumalabas pala si Dada noong ano, 'yung pangarap hindi niya binalewala, wala siyang what if sa buhay niya,'” aniya.

Binigyan naman si Jeremiah ng congratulatory greetings ng hosts dahil sa bagong blessing ng buhay niya. Tinanong din ni Jhong Hilario si Jeremiah kung ano ang nararamdaman niya ngayong soon-to-be dad na siya.

“Masaya po, Kuya Jhong, masaya as in. Hindi ko ma-explain, parang overwhelming siya sa feeling,” sagot niya.

Inilahad din ni Jeremiah na baby boy ang first child nila ng kanyang longtime partner at papangalanan nila itong Raya Lux.

RELATED GALLERY: All the photos that prove 'The Clash' Season 2 winner Jeremiah Tiangco is a certified hypebeast

Samantala, subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA at Kapuso Stream.